Capacity to discern ng kabataan, tututukan ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 538 total reads

Mahalagang matutukan ang paghuhubog sa mga kabataan upang magkaroon ng kakayahan na magnilay sa iba’t-ibang usapin bago gumawa ng anumang hakbang.

Ito ang ibinahagi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Rev. Fr. Kunegundo Garganta sa mga nararapat na tutukan ngayong Taon ng mga Kabataan kaugnay sa nalalapit na halalan.

Iginiit ng Pari na mahalagang magkaroon ng kakayahan ang mga kabataan na mapagnilayan at matimbang ang mga pamantayan na kanilang gagamiting batayan sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal sa nakatakdang May 13, 2019 Midterm Elections.

Sinabi ni Fr. Garganta na dapat naka-ugat sa Salita ng Diyos ang pagninilay hindi lamang ng mga kabataan kundi ng lahat ng mga botante upang mailuklok ang mga opisyal na tunay na makatutugon sa mga problema sa lipunan.

“Paghubog sa kakayahang manila at magtimbang doon sa mga panukala natin, ano ba yung ating mga panukala, ano ba yung ating mga batayan at sukatan ng ating pagpili ng mga pagkakalooban ng ating boto, ng ating paghahalal, so bahagi po ito na palagay ko this is a universal call to help develop in our young people the capacity to discern, nag-uugat sa salita ng Diyos at pagkatapos titingnan ang kalagayan sa lipunan…” pahayag ni Fr. Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang umapela ng panalangin at suporta ang kumisyon para sa pagganap ng mga kabataang Filipino sa kanilang tungkulin sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan at pag-unlad ng lipunan.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC), 20-milyon mula sa 60 milyong rehistradong botante ay mga kabataan nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

Samantala, nakatakda sa ika-23 hanggang ika-28 ng Abril ang National Youth Day sa Cebu City sa pangungunahan ng Archdiocese of Cebu at mga kinatawan mula sa 19 na national youth organizations at 86 na mga diyosesis sa buong bansa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,488 total reads

 54,488 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 178,661 total reads

 178,661 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 264,029 total reads

 264,029 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 310,770 total reads

 310,770 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 358,636 total reads

 358,636 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 453,921 total reads

 453,921 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top