Hamon ng Obispo sa pamahalaan, bigyan ng trabaho ang mga Filipino hindi dayuhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga nagnanais mangibang bansa na makipag-ugnayan sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administrastion upang makaiwas sa pananamantala.

Ito ang tugon ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People hinggil sa inilunsad na new visa system ng Japan para sa mga dayuhang manggagawa.

Ayon kay Bishop Santos, kapaki-pakinabang ito sa mga Filipinong nais mangibang bansa upang maitaguyod ang mga pamilya.

“This is beneficial to us [Filipinos], since there are works and great help to their families and to our economy,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Subalit iginiit ng Obispo na dapat hindi habambuhay magpapadala ang Pilipinas ng mga manggagawa sa ibang bansa dahil ito ay nangangahulugan ng sakripisyo, paghihiwalay at paghihirap sa OFW at sa pamilyang maiiwan dito sa Pilipinas.

“We should not be forever a worker sending country. Our government should provide jobs, prioritize Filipino for jobs, not foreigners,” saad ni Bishop Santos.

Batay sa bagong polisiya ng Japan, papayagan ang mga dayuhang manggagawa na may partikular na kasanayan na mag-apply ng dalawang uri ng resident status upang makapagtrabaho sa Japan.

Sinabi ni Bishop Santos na ang patuloy na pagtanggap sa mga OFW sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig ay nagpapatunay na tiwala ang mga dayuhan sa kakayahan at kasanayan ng mga Filipino.

Kaugnay nito, labis na ikinalungkot ng Obispo ang pahayag noon ng isa sa mga opisyal ng pamahalaan na tamad at walang kakayahan ang mga Filipino.

Sa tala ng pamahalaan noong 2017 higit sa 250, 000 ang bilang ng mga Filipinong nanirahan sa Japan dahilan upang maging ikatlong pinakamalaking dayuhang populasyon sa nasabing bansa.

Una nang kinilala ng Simbahang Katolika sa pangunguna ng Kan’yang Kabanalan Francisco ang ambag ng mga Overseas Filipino Workers sa ekonomiya ng Pilipinas at sa kabuhayan ng mga Filipino.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,532 total reads

 54,532 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 178,732 total reads

 178,732 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 264,100 total reads

 264,100 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 310,841 total reads

 310,841 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 358,707 total reads

 358,707 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 453,990 total reads

 453,990 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top