Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kanselado na ang PAREx!

SHARE THE TRUTH

 140,575 total views

Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4 kilometers. Pinalutang ang ideya ng pagtatayo ng PAREx upang ibsan daw problema natin sa trapiko sa Metro Manila. Gayunpaman, sensitibo raw ang San Miguel Corporation sa opinyon ng publiko. Kung ang palagay daw ng publiko ay hindi makatutulong ang PAREx, hindi na raw ito itutuloy ng naturang korporasyon. 

Kontrobersyal ang PAREx dahil sa mga sinasabing peligrong dala nito. Iba’t ibang grupo at koalisyon ang kumilos upang tutulan ito. Isa sa mga aktibong nangampanya laban sa proyekto ang Diyosesis ng Pasig sa pangunguna ni Bishop Mylo Hubert Vergara. Sa katunayan, naglabas ng pahayag ang diyosesis noong 2022 laban sa PAREx. Binigyang-diin ng diyosesis ang masasamang dulot ng proyekto sa buhay at kapaligiran ng Ilog Pasig, sa kalusugan at kabuhayan ng mga nasa paligid ng proyekto, at maging sa ating kultura.

Kaya naman, ikinatuwa ng mga tutol sa proyekto ang naging pahayag ng San Miguel Corporation. Para kay Bishop Vergara, isa itong “welcome development in the spirit of synodality.” Isang magandang balita ito na bunga ng sama-samang pagtugon sa pangangailangang protektahan ang Ilog Pasig. Hinamon naman ng Ilog Pasiglahin Movement ang San Miguel Corporation na bawiin na nito ang Supplemental Toll Operation Agreement sa Toll Regulatory Board, ang aplikasyon nitong Environmental Compliance Certificate sa Department of Environment and Natural Resources, at ang mga aplikasyon ng pagkuha ng permit sa iba’t ibang lokal na pamahalaan. Dagdag pa ng grupo, kung talagang seryoso ang San Miguel Corporation sa pagsalba sa Ilog Pasig, dapat din daw kanselahin ang iba pang proyekto nitong makaaapekto sa Ilog Pasig. Ilan sa mga ito ay ang Southeast Metro Manila Expressway na maaapektuhan ang silangang bahagi ng ilog at ang Southern Access Link Expressway sa Manila Bay at Intramuros. Giit ng mga miyembro ng Ilog Pasiglahin Movement, anumang mapanirang gawain sa paligid ng ilog, katulad ng reklamasyon at deforestation, ay makaaapekto pa rin sa Ilog Pasig.

Ipinaaalala ng mga panlipunang turo ng Simbahan na ang pananaw at pagkilos nating mga Kristiyano ukol sa ating kalikasan ay dapat na puspos ng pasasalamat at paghanga. Sa kalikasan, kasama ang mga ilog at daluyan ng tubig, maaaring makita ang Diyos na lumikha. Kung binabalewala natin ang ugnayan ng Diyos sa kalikasan, tinatanggal natin ang kahulugan ng pag-iral ng sangnilikha, na nauuwi naman sa pag-abuso natin sa mga likas-yaman at iba pang nilikha ng Diyos. Ngunit kung titingnan natin ang kaugnayan ng tao, ng kalikasan, at ng Diyos, matutuklasan natin ang mga misteryo ng kalikasan—maririnig natin ang pagtangis ng sangnilikha at higit nating mapahahalagahan ang kagandahan at kahulugan ng kanilang pag-iral sa mundo.

Kaya naman, tunay ngang magandang balita ang pagkakahinto sa PAREx. Isa itong patunay na epektibo ang sama-samang pagtutol sa mga mapinsalang proyektong hindi nakikita at hindi iginagalang ang biyaya ng kalikasan. Katulad ng paalala ni Pope Francis sa Laudato Si’, “Humanity still has the ability to work together in building our common home.” Marami pang ibang proyektong dapat bantayan. Marami pang dapat gawin upang protektahan at tuluyang maisalba ang Ilog Pasig.

Mga Kapanalig, ayon sa Genesis 1:26, tayo ay mga tagapangasiwa at tagapangalaga ng mga nilikha ng Diyos. Nawa’y mag-umpisa ito sa ating pasasalamat at paghanga sa kalikasan. Humantong din sana ito sa mga kongkretong hakbang upang sama-sama nating pangalagaan at protektahan ang sangnilikha. Umpisahan natin ito sa Ilog Pasig! 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 25,579 total views

 25,579 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 76,142 total views

 76,142 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 23,611 total views

 23,611 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 81,322 total views

 81,322 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 61,517 total views

 61,517 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 25,580 total views

 25,580 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 76,143 total views

 76,143 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 81,323 total views

 81,323 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 61,518 total views

 61,518 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,076 total views

 45,076 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 53,757 total views

 53,757 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 68,519 total views

 68,519 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 75,634 total views

 75,634 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 49,764 total views

 49,764 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 49,536 total views

 49,536 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 49,237 total views

 49,237 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 41,571 total views

 41,571 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 81,151 total views

 81,151 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 88,705 total views

 88,705 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 84,588 total views

 84,588 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top