Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapakanan ng PWDs sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 12,995 total views

Kapanalig, isa sa mga maituturing na tila invisible na grupo ng tao sa ating bansa ay ang mga PWDs o persons with disabilities. Tinatayang umaabot sa 12% ng ating populasyon na may edad 15 pataas ay binubuo ng PWDs. Ang bilang na ito ay mataas pa dahil hindi kasama dito ang mga bata.

Napakahalaga na lahat ng PWDs ay ating nabibilang dahil ito ang basehan ng mga mga serbisyo na mailalatag ng pamahalaan para sa kanila. Halimbawa, sa ating mga paaralan, kapanalig. PWD ready ba ang ating mga eskwelahan – ang mga classrooms at iba pang pasilidad sa ating mga pampubliko at pribadong paaralan ay accessible ba sa mga batang naka wheelchair o saklay?

Sa ating public transport, kita naman natin na hindi talaga ito PWD friendly, sa urban areas man o kahit sa mga rural areas. Napakahirap para sa kanila makapunta sa iba ibang destinasyon dahil paglabas pa lamang ng kanilang pintuan, maraming hamon na silang hinaharap. Malaking balakid ito kapanalid, sa kanilang produktibong pakikilahok sa lipunan.

Hindi lamang ukol sa mobility, ang usapan dito, kapanalig. Halimbawa na lamang ay ang mga bilang ng mga batang may learning at cognitive challenges. May sapat ba tayong mga espesyalista at pasilidad na maaaring ma-access agad ng mga pamilya upang makakuha ng diagnosis at suporta kung ang  kanilang mga anak o kaanak ay may, halimbawa, dyslexia, ADHD, o autism? Accessible ba ang mga ito sa mga maralita?

Ang malaking bahagi din ng ating mga mamamayan ay hindi mulat sa sitwasyon ng PWDs. Hanggang ngayon nga, kahit pa marami na halimbawa ang may hawak ng PWD IDs, nakakaranas pa rin sila ng diskriminasyon. Karamihan sa atin, tinutumbas ang kapansanan sa problema sa mobilidad lamang. Yung mga disabilities na hindi kaagad nakikita, gaya ng sakit ng kanser, psoriasis, speech and language impairment, pagkabingi, ay minsan pinagdududahan pa ng mga kababayan natin. Nakakasakit na tayo, kapanalig, sa damdamin nila, at hindi lang yan, pinagdadamutan pa natin sila ng mga serbisyo at karapatan na dapat nakukuha nila.

Kapanalig, kailangan nating gawing inklusibo ang ating lipunan. Kailangan nating masuri ng mabuti ang kalagayan ng ating mga PWDs at huwag silang tingnan bilang burden ng bayan kundi untapped resource na ating lipunan. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe noong International Day of Persons with Disabilities: “Inclusion of PWDs should not remain a slogan.” Kailangan nating iparamdam sa kanila na sila ay kaisa sa atin. Kailangan nating tanggalin ang mga hadlang sa kanilang epektibong paglahok sa lipunan, hindi lamang sa pamamagitan ng imprastraktura, kundi sa pagsulong din ng ating “spirituality of communion” upang maramdaman nating lahat na tayo ay tunay na iisa Simbahang nanalig sa mapagmahal na Diyos.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,136 total views

 34,136 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,266 total views

 45,266 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,627 total views

 70,627 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,015 total views

 81,015 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,866 total views

 101,866 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,708 total views

 5,708 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,137 total views

 34,137 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,267 total views

 45,267 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,628 total views

 70,628 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,016 total views

 81,016 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,867 total views

 101,867 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,730 total views

 94,730 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,754 total views

 113,754 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 96,428 total views

 96,428 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 129,046 total views

 129,046 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 126,062 total views

 126,062 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top