Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapangyarihan at tunay na paglilingkod

SHARE THE TRUTH

 185 total views

Mga Kapanalig, naging laman ng balita at mainit na paksa ng mga usap-usapan ang ginawang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang ginang na OFW habang nasa isang pagtitipon siya ng mga kababayan natin noong bumisita siya sa South Korea. Natabunan nito ang anumang tungkol sa kasunduang pinasok ng ating pamahalaan sa pamahalaang South Korea.

Umani ng matinding batikos lalo na sa social media ang kontrobersyal na halikan. At gaya ng inaasahan, sinalagan ito ng mga tauhan ng pangulo. Hindi raw dapat haluan ng malisya ang paghalik na iyon dahil tanggap daw ito sa kultura nating mga Pilipino, ayon ito sa opisyal na tagapagsalita ng pangulo. “Playful act” o parang laro lamang daw iyon kaya’t hindi maituturing na imorál. Ipinagtanggol din ang pangulo ng kanyang numero unong tagasuporta na communications assistant secretary din. Sa isang post sa Facebook, inilagay pa niya ang video clip ni Senador Ninoy Aquino kung saan hinalikan siya ng isang babae habang palabas ng eroplano ilang minuto bago siya paslangin. Hindi rin daw ba iyon masagwa? Sabi naman ng chief presidential counsel, parang paghalik lamang daw iyon ng isang lolo sa kanyang sanggol na apo. Para sa ginang na hinalikan, “once-in-a-lifetime experience” daw ang paghalik sa kanya ng pinakamataas na kinatawan ng mga mamamayan ng Pilipinas.

Sa kanyang pagbabalik sa bansa, mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing wala siyang nakikitang mali (o kahindik-hindik) sa kanyang paghalik—“showbiz” daw iyon at natuwa silang dalawa ng ginang na kanyang hinalikan. Natuwa rin ang mga naghihiwayawang OFWs. Sabi pa niya, kailangan daw ng mga babae ng romansa, at ipinagmalaki pa niyang ginagawa raw niya ito noong meyor pa siya ng Davao.

May paalala tungkol sa pamumuno at paglilingkod si St John Paul II sa kanyang apostolic exhortation na Christifideles Laici. Sabi niya, “The spirit of service is a fundamental element in the exercise of political power. This spirit of service, together with the necessary competence and efficiency, can make ‘virtuous’ or ‘above criticism’ the activity of persons in public life which is justly demanded by the rest of the people.” Sa wikang Filipino: ang diwa ng paglilingkod ay isang pangunahing saligan ng pagganap ng ating mga lider ng kapangyarihang ibinigay natin sa kanila. Kung tunay ang paglilingkod ng ating mga lider, naiiwasan nilang mabahiran ng dungis ang anumang kanilang ginagawa at nararapat lamang na asahan ito ng mga mamamayan sa kanila.

Gamit ang paalalang ito ng ating Simbahan, maaari nating itanong: sa paanong paraan nangingibabaw ang diwa ng paglilingkod sa mga ikinikilos ng ating mga kasalukuyang lider? Paano ginagamit ng mga nasa pamahalaan ang kapangyarihan nila upang paglingkuran ang sambayanan kahit sa mga pagkilos nila?
Kung ginagamit ang kapangyarihang iyon upang lamangan at pagsamantalahan ang kanilang pinamumunuan, hindi tunay ang kanilang paglilingkod.

Kung ginagamit ang kapangyarihan upang magpalaganap ng maling pananaw tungkol sa ugnayan ng babae at lalaki o ng kulturang walang pagkilala sa dignidad ng tao, hindi tunay ang kanilang paglilingkod.
Kung ginagamit ang kapangyarihan upang bulagin ang mga tao nang hindi nila makita ang mali, ang kawalang katarungan, at ang hindi makatao sa kanilang paligid, hindi tunay ang kanilang paglilingkod.

Kung hinahayaan natin ang ating “ama” na gamitin ang kanyang kapangyarihan upang bastusin sa harap ng maraming tao ang kanyang anak o apo, sa ngalan ng katuwaan, hindi tunay ang kanyang pagiging “ama” sa atin.
Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles: “The eyes are useless when the mind is blind.” Walang silbi ang mga mata kung ang isip ay bulag. Huwag nating hayaang mabulag ang ating mga isip ng mga taong ginagamit sa maling paraan ang kapangyarihang iniatang sa kanila. Bagamat mahirap gawin, tulungan din natin ang ating kapwang mabuksan ang kanilang isipang binubulag ng kasinungalingan at kamangmangan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,481 total views

 24,481 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,962 total views

 31,962 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,102 total views

 45,102 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,075 total views

 51,075 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 56,828 total views

 56,828 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,482 total views

 24,482 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,963 total views

 31,963 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 45,103 total views

 45,103 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 51,076 total views

 51,076 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 56,829 total views

 56,829 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,861 total views

 41,861 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,945 total views

 42,945 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,326 total views

 38,326 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,330 total views

 50,330 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,372 total views

 58,372 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,929 total views

 49,929 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,354 total views

 48,354 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,140 total views

 50,140 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,065 total views

 47,065 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,379 total views

 61,379 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top