330 total views
Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) ng mas malalim na pagtugon sa nagaganap na kaguluhan kasunod ng paggunita ng International Day of Prayer for Peace noong Abril 11, 2026.
Ayon sa grupo, ang panawagan ni Pope Leo XIV ay hindi lamang paanyaya sa panalangin kundi isang hamon sa pagbabagong-loob, katapangan, at konkretong pagkilos para sa katarungan at kapayapaan.
Binibigyang-diin ng CMSP–JPICC na ang kapayapaan ay hindi makakamit kung mananatiling walang malasakit ang bawat isa sa umiiral na kawalang-katarungan.
Samantala, kinondena ng institusyon ang mga sistemang nagpapalalim ng kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay, kabilang ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, kuryente, at pangunahing bilihin na higit na nagpapabigat sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan.
“In this sacred time as we commemorate the Jubilee of the Easter of St. Francis; we are reminded that peace is not born of comfort but of surrender; not of indifference but of radical love lived in the midst of a wounded world. In a time when the poor are crushed by rising costs, when nations are wounded by conflict, and when creation itself bears the weight of human greed; consecrated life cannot remain silent. Neutrality is complicity; silence is betrayal.” Bahagi ng pahayag ng CMSP-JPICC.
Iginiit din ng CMSP-JPICC ang pangangailangan ng pananagutan mula sa mga nasa kapangyarihan upang matiyak na ang mga patakaran at istruktura ng ekonomiya ay nagsisilbi sa kabutihang panlahat, kasabay ng panawagang tumindig laban sa karahasan at ipagtanggol ang dignidad ng mahihirap at ng kalikasan.
“We call for accountability from those in power; that public office and economic structures serve the common good. We stand for peace; rejecting violence in all its forms; and affirm that the cry of the poor and the cry of the earth are one.” Dagdag pa ng CMSP-JPICC.
Bilang tugon, tiniyak ng CMSP–JPICC ang patuloy na pagsasabuhay ng ebanghelyong sa pamamagitan ng pakikiisa sa mahihirap, hindi lamang sa paglilingkod kundi sa sama-samang pakikibaka para sa makatarungang pagbabago.
“We commit to live evangelical poverty with integrity; to stand with the poor not only in service but in struggle; and to transform charity into lasting solidarity. We will speak when silence is easier; act when comfort tempts us to withdraw; and walk where suffering is most real.” Ayon pa sa CMSP-JPICC.
Samantala, iginiit din ng grupo na ang isang Simbahang tunay na nakikiisa sa mahihirap ay siyang nagiging kapani-paniwalang saksi ng kapayapaan sa isang mundong sugatan ng hidwaan at kawalang-katarungan.






