Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapayapaan at pagtulong sa dukha, diwa ng Pasko- Arch. Quevedo

SHARE THE TRUTH

 216 total views

Ang kapayapaan at pagtulong sa mga dukha ang sentro at puso ng Pasko.

Ito ang naging buod ng pagbati ngayong holiday seasons ng Kanyang Kabunyian Cotabato Archdiocese Orlando Cardinal Quevedo sa sambayanang Pilipino na nagsusulong ng ikauunlad ng mahihirap at kapayapaan lalo na sa Mindanao.

Sinabi pa ng Kardinal na ang Mesiyas ay isinilang na dukha sa sabsaban ng Bethlehem na tanging hatid ay pagmamahal at kapayapaan lalo na sa mga naghihikahos at nananahan sa kadiliman.

Kaugnay nito, iginiit pa ni Cardinal Quevedo na sa patuloy na pagdami ng bilang ng napapatay sa kampanya kontra iligal na droga na tinatayang nasa mahigit anim na libo na at sa pagsusulong ng death penalty at ibang pang kultura na sumisira sa buhay ay manindigan pa rin ang lahat sa pagpapahalaga sa mga mahihirap at sa dignidad ng buhay.

Hiniling rin nito sa mga mananampalataya na panibaguhin ang pananalangin na hindi lamang para sa sariling intensyon kundi ipanalangin rin ang buong bansa at buong mundo na kumilos sa tunay na kapayapaan.

“Ang kapayapaan at ang mga dukha ang siyang sentro at puso ng pasko. Ang Mesiyas ay isinalang na dukha binasbasan at dinakila niya ang mga dukha. Itinuturing niyang mga anak ng Diyos ang kumikilos para sa kapayapaan sa ating bansang naghihikaos at nababalot ng dilim. Nawa’y palagi nating bigyang pansin ang mga dukha Nawa’y bigyan nating halaga at paggalang ang buhay. Panibaguhin ang panalangin at nawa’y kumilos tayo para sa tunay na kapayapaan na sumasaatin bilang biyaya ng Maykapal,” bahagi ng Christmas greetings ni Cardinal Quevedo sa mga mananampalataya sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 10.5 milyong pamilyang Filipino o 46% ang nagsabing sila ay mahirap sa unang quarter ng 2016, mas mababa sa 11.2 milyong pamilyang Filipino o 50% noong 2015 sa kaparehong panahon.

Una ng ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagkalinga sa mahihirap sa pamamagitan na rin ng awa na may kaakibat na gawa gaya ng pagbabahagi sa kanila ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at huwag silang balewalain ng estado.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,967 total views

 72,967 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,742 total views

 80,742 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,922 total views

 88,922 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,517 total views

 104,517 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,460 total views

 108,460 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 97,864 total views

 97,864 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 63,858 total views

 63,858 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top