Tulay na nag-uunay, hindi pader na nagtataboy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total reads

Mga Kapanalig, likas sa ating mga tao ang manirahan sa isang lugar kung saan makakapamuhay tayo nang matiwasay. Aalis tayo doon kung may mas magandang oportunidad sa ibang lugar o kaya naman ay may mga banta sa ating buhay. (Hindi ba’t sa kuwento ng unang Pasko, sina Maria at Jose ay nangailangang umalis sa kanilang bayan upang takasan karahasang dala ni Haring Herodes?) Bahagi na nga ng patuloy na kasaysayan ng mundo ang paglipat-lipat ng mga tao. Ito po ang tinatawag na “migration” at kahapon, ika-18 ng Disyembre, ay ang araw na itinalaga ng United Nations bilang “International Migrants Day.”

Ang migration ay hindi lamang tungkol sa paglipat ng tao mula sa isang bayan patungo sa isa pa. Sa umiigting na globalisasyon, ang mga tao ay higit pang nabibigyan ng pagkakataong mangibang-bansa upang makahanap ng mas maayos na pamumuhay. Sa kaso nating mga Pilipino, wala nang titingkad pa sa halimbawa ng mga overseas Filipino workers o OFW; karamihan sa kanila ay mga manggagawang nais takasan ang kahirapan sa sariling bayan.

Migrante rin ang mga taong napipilitang lisanin ang kanilang bansa upang iwasan ang karahasan at digmaan. Sila naman ang tinatawag na “refugees,” gaya na lamang ng mga mamamayan ng Syria na hanggang ngayon ay naiipit sa sagupaan ng puwersa ng pamahalaan at ng mga grupong tutol sa mapanupil na rehimen. Nariyan din ang mga taong tumakas at patuloy na tumatakas sa gulong dala ng ISIS at iba pang fundamendalist groups. Libu-libo na ang mga taga-Syria at ibang bahagi ng Gitnang Silangan na sinuong ang panganib makarating lamang sa Europa kung saan nakikita nilang sila ay magiging panatag at ligtas. Nakakalungkot nga lamang, mga Kapanalig, na hindi lahat ng bansa sa Europa ay bukas-palad na tinatanggap ang mga banyaga.

Ayon sa International Migration Report na inihanda ng United Nations, nitong nakalipas na 15 taon (o simula noong taóng 2000), dumami nang 41 porsyento ang bilang ng mga taong nangibang bansa. Umabot na ito nang 244 milyong tao, kung saan 20 milyon sa mga ito ay biktima ng karahasan at gulo sa kanilang bansa. Nagtungo sa Asya at Europa ang pinakamaraming migrante, ngunit sa mga bansa rin mula sa mga kontinenteng ito nagmula ang pinakamaraming nangibang-bansa. Sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming migrante, nagunguna rito ang India, na sinundan naman ng Mexico at Russia. Amerika naman ang tumanggap ng pinakamaraming dayuhan, kasunod ang Germany at Russia. Bahagyang mas mataas ang bilang ng mga lalaking migrante kaysa sa mga babaeng migrante.
Matatagpuan sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang pagbibigay halaga ng Santa Iglesia sa mga migrante at ang pagsusulong nito ng kanilang kapakanan. Sa Pacem in Terris, halimbawa, sinabi ni St John XXIII, na ang bawat tao ay may karapatan sa malayang pagkilos (o freedom of movement) at magkaroon ng panirahanan o residence sa kanyang bansa, at kung makatwiran at kinakailangan, karapatan din ng tao na tumungo sa ibang lugar o bansa at manirahan doon.

Ganito rin ang naging wika minsan ni St John Paul II: Hindi dapat hadlang sa isang tao ang kanyang pagiging mamamayan ng kanyang bansang sinilangan upang maging bahagi ng “human family”, ang pamilya ng sangkatauhan. Ang isang tao ay dapat na ituring na mamamayan ng tinatawag na “universal society,” ang pandaigdigang lipunang kinabibilangan ng lahat.

Samakatuwid, tayong mga Katoliko ay may tungkuling iwaksi ang mga sitwasyong hindi makatao ang pagtrato sa mga migrante. Tungkulin nating tutulan ang mga patakaran ng mga pamahalaan na mistulang nagtatayo ng pader na nagtataboy sa mga hindi natin kababayan, sa halip na isang tulay na iniuugnay at inilalapit tayo sa ating kapwa-tao. Sapagkat sa pagtanggap natin sa mga migrante (o sa pagsusulong ng kanilang kapakanan), nagagawa nating tanggapin si Hesus na nagwikang “Sapagkat ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy.”
Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,214 total reads

 20,214 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,524 total reads

 54,524 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 91,006 total reads

 91,006 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,218 total reads

 109,218 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,473 total reads

 192,473 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,215 total reads

 20,215 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,525 total reads

 54,525 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 91,007 total reads

 91,007 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,219 total reads

 109,219 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top