Karahasan at Harassment sa Trabaho

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Kapanalig, mas pamilyar tayo sa mga bullying at harassment na nagaganap sa mga paaralan o sa hanay ng mga kabataan. Pero alam mo ba na madalas din itong nangyayari sa workplace o sa trabaho?

May isang pag-aaral ang International Labour Organization na binahagi nitong Disyembre 2022 lamang na nagpapakita na laganap o prevalent ang violence at harassment, pisikal man, mental o sekswal sa mga workplaces sa buong mundo. Ayon sa kanilang survey kung saan kasama ang ating bansa, mahigit isa sa limang tao o 22.8% ang nakakaranas nito. Tinatayang mga 743 milyong katao ang biktima nito.

Iba-ibang uri ng harassment ang kanilang natanggap, ngunit ang pangunahin dito ay ang psychological harassment gaya ng pang-iinsulto, pagbabanta, bullying, pati na intimidation. Tinatayang mga 583 milyong katao ang nakaranas nito ayon sa survey.

Marami ring nakaranas ng sexual violence at harassment, at kadalasan, babae ang biktima nito. Umaabot sa 205 milyon ang maaring biktima nito. Mas marami namang lalake ang biktima ng physical violence. Tinatayang umaabot ito ng 277 million.

Hindi makatarungan ang mamuhay at magtrabaho sa ilalim ng banta o panganib ng karahasan. Ang mga perpetrators nito ay gumagamit ng kapangyarihan upang mambiktima. Maraming mga biktima naman ang kadalasang hirap maka-alis agad sa trabaho o magresign, lalo sa panahon ngayon ng kahirapan sa buong mundo. Minsan wala rin silang malapitan dahil sila ay bata pa, o di kaya mga migrante. Marami rin, nahihiya o natatakot mag-report. Kaya’t hindi biro ang psychological, mental, at emotional stress ang pinagdadaan ng mga biktima nito.

Kapanalig, kailangang harapin natin ang problema ng karahasan at harassment sa ating mga pinagtatrabuhan. Ang ating workplace ay dapat ay ligtas na lugar o safe place para sa ating lahat. Malaking bahagi ng ating buhay ang ginugugol dito. Ito dapat ay maging isang kanlungan ng kagalingan at suporta.

Dapat ang bawat opisina at kumpanya, kahit gaano pa ito kalaki o kaliit, ay may mga mekanismo at paraan upang mapanatiling lugar ng kapayapaan at produktibidad ang trabaho. May mga grievance mechanisms sana ang mga ito upang may pupuntahan ang mga biktima upang ireport ang kanilang naranasan na walang takot na gagantihan o sasaktan pa sila. Dapat din ay may malinaw na sanctions ang mga perpetrators nito. Kailangan din may mga paraan at tools na maaring magamit upang ma-prevent o mapigilan ang mga ganitong pangyayari.

Violence has no place in our society. Sa kanyang annual Christmas message sa mga kardinal nitong nakaraang taon, kinondena ni Pope Francis ang karahasan: “Besides the violence of arms, there is also verbal violence, psychological violence, the violence of the abuse of power, the hidden violence of gossip…no one should “profit from his or her position and role in order to demean others.” Mapukaw sana ng mga katagang ito ang ating kamalayan ukol sa karahasan at harassment sa mga lugar na ating pinagtatrabahuhan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »
Scroll to Top