Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 604 total views

Homiliya Para sa Unang Linggo ng Adbiyento, 27 Nob 2022, Mateo 24:37-44

“Manatiling gising. Hindi ninyo alam ang araw ng pagdating ng Panginoon.”

Ang Gospel reading ngayon ay tungkol sa mga bagay na hindi natin alam, kung ano ang darating, kung ano ang mangyayari bukas. Ang alam lang natin ay ang mga bagay sa nakaraan, mga biglaang pangyayari na marahil ay hindi natin napaghandaan —mga biglaang kalamidad, katulad ng lindol, pagputok ng bulkan, biglaang pagbaha, o mga sunog na hindi inaasahan. At kung gaanong perwisyo ang pwedeng idulot ng mga ganitong pangyayari, pati na ang pagkawala ng kabuhayan, biglaang pagkamatay ng mga mahal sa buhay, pagkasira at pagkawasak ng lahat ng naipundar.

Maraming tumulong sa mga nasunugan sa Navotas, pero isa sa mga tulong na iminungkahi ko sa parish priest ay post-trauma counselling. Pwede kasing mangyari na napakatindi ng traumang naranasan ng mga biktima, mananatili ang kanilang pagkabiktima, mahihirapang makabawi. Sabi ng matatanda, “Masira na ang lahat sa buhay mo, huwag lang ang loob mo.” Kapag nasiraan nga naman ng loob ang tao, parang hanggang doon na lang siya, parang wala nang bukas.

Nakakatulong ang pagbabalik-tanaw at ang mga aral na pwedeng matutunan sa mga nangyari na sa nakaraan. Natutulungan tayo sa kasalukuyan na maging handa para sa mga bagay na hindi natin alam na puwedeng mangyari sa hinaharap. Kaya nga mayroong mga disaster-preparedness drills—hindi naman para takutin tayo kundi para alam na natin kung sakaling mangyaring muli kung ano ang gagawin, dahil hindi naman talaga tayo sigurado sa mga bagay na pwedeng mangyari sa hinaharap.

“Pagdating” ang literal na kahulugan ng salitang ADBIYENTO, mula sa Latin ADVENTUS. Ito ang apat na Linggo ng ispiritwal na preparasyon ng mga Kristiyano para sa pagdating ng Kapaskuhan. Kulay ube ang Adbiyento, ang kulay ng penitensya sa ating mga Kristiyano. Kakulay ito ng Kuwaresma na paghahanda naman para sa Pagkabuhay. Paalala ng simbahan na kung ibig natin maranasan ang ligaya ng pagkabuhay, dapat tayong dumaan sa penitensya ng Kuwaresma. Gayundin, kung ibig nating maranasan ang ligaya ng Pasko, dapat tayong dumaan sa penitensya ng Adbiyento.

Kaya nanghihinayang ako, dahil ito ang panahon na halos hindi maramdaman dito sa atin sa Pilipinas. Bakit? Dahil masyado nating minamadali ang Pasko. Hindi pa nga nag-uundas Pasko na sa mga malls. At nalulungkot ako kapag pati mga taong sanay naman sa pagsisimba ay nagpapadala na rin sa komersyalismo, para daw sulit ang gastos ng Pasko. Nawawalan tuloy ng kahulugan. Nakakaligtaan na natin na ang pinaghahandaan natin ang pagdating ng Diyos sa ating piling, ang Diyos na pumasok sa kasaysayan natin bilang isang taong katulad natin, Diyos na nailakbay sa atin.

Nakakalimutan natin na ang pagdating na pinaghahandaan natin sa adbiyento ay may tatlong panahon: kahapon, ngayon at bukas, o nakaraan, kasalukuyan, hinaharap. Dumating si Kristo nang isilang siya sa Bethlehem. Ang nakaraan kapag binabalik-tanaw sa alaala ay maaaring sariwaing muli sa ngayon.

Pero sa Adbiyento ipinahahayag din natin na darating siyang muli sa hinaharap, sa wakas ng panahon, hindi natin alam kung kailan. Sinasabi natin sa Kredo, “Siya ay muling paririto at huhukom sa nabubuhay at nangamatay na tao.” Hindi lang pagdating kundi PAGPARITO.

Ang pangatlong panahon na pinaghahandaan natin sa Adbiyento ay ang pinakamahalaga: hindi kahapon, hindi bukas, kundi ang NGAYON. Ito ang narinig nating sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. “Ngayon na ang panahon upang bumangon sa pagtulog. Nalalapit na ngayon ang ating kaligtasan…”

Kapag bata pa tayo, ang lakas ng tukso na ipagwalang-bahala ang kasalukuyan dahil akala mo marami ka pa namang panahon. Kapag talagang inisip natin na malayo pa ang katapusan o ang pagdating ng hinihintay na deadline, malakas ang tendency natin na ipagpaliban para bukas ang mga bagay na puwede na sanang gawin ngayon. Saka lang tayo nagpa-panic kapag tumanda na tayo at biglang napaisip, kaunti na lang pala ang natitira nating panahon. Para tayong mga istudyanteng tutulog-tulog sa exam at biglang magugulatang sa titser na nagsasabing, “Oras na. Tapos o hindi tapos, ipasa ang papel.”

Kung medyo kaedad ko kayo, palagay ko matatandaan ninyo ang isang Kodak commercial na sumikat dahil sa maramdaming kanta na kasabay nito: “Good morning yesterday, you wake up and time has slipped away…” Ang magandang umaga’y nagiging kahapon. Paggising mo lumipas na pala ang panahon.

Ang kasabay na video ay isang nakatatanda na nagbabalik-tanaw sa nakaraan sa pamamagitan ng mga lumang litrato. Binabalikan sa alaala pati ang maraming mga posibilidad na puwede pa noon pero lumipas na ngayon. Sabi nga ni Noel Cabangon, “Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?” At ang punto niya ay simple lang. Isang paalala na “Lumilipas ang panahon.”

Ang sikreto ng hinaharap ay ang pagkamulat na napakabilis lumundag ng bukas sa kahapon, lalo na kung hindi natin isinasabuhay at pinagyayaman ang ngayon. Kaya nagpapaalala si San Pablo sa atin ikalawang pagbasa na huwag maging kampante, huwag sayangin ang panahon, huwag magsawalang bahala na para bang laging nandiyan ang pagkakataon. Mabilis mawala.

Ito ang dahilan para sa Adbiyento. Ito ang panahon na dapat itanong sa sarili, “Kung alam mo lang na iyon na pala ang huli ninyong pagkikita ng kaibigan mo, o ng mga magulang mo, o ng mahal mo sa buhay ano kaya ang ginawa mo? Kung alam mong may taning na ang buhay mo, paano mo gagamitin ang natitira mong panahon? Kung alam mong magugunaw na ang mundo o magwawakas na ang daigdig sa loob ng isang Linggo, paano mo gugugulin ang pitong huling araw na natitira sa buhay mo?

Ang pinakamahalagang pagdating na dapat paghandaan sa adbiyento ay hindi kahapon o bukas kundi ngayon.

Di ba sabi ng kinakanta natin sa simbahan, “Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito. Kaya anumang ang mabuting maaaring gawin ko ngayon o anumang kagandahang-loob ang maari kong ipadama, nawa’y huwag kong ipagpaliban, (sana ay magawa ko na ngayon), sapagkat di na ako daraan pang muli sa ganitong mga landas.

Kaya siguro ang pangalan ng Diyos para sa mga Hudyo ay YAHWEH, na ang ibig sabihin ay I AM, hindi I WAS (past tense) at hindi I WILL BE (future tense). Siya ang Diyos ng walang hanggang NGAYON, walang simula, walang katapusan. Hindi tayo pwedeng makiisa sa buhay na walang hanggan kung hindi natin isinasabuhay ngayon ang maikling panahon na bigay niya sa atin.

Sa mga misa sa patay ang homily ko ay para sa mga buhay, sa mga taong mayroon pang panahon at marami pang pwedeng gawin ngayon. Pwede pang samantalahin ang dumarating na pagkakataon, pwede pang itama sa kasalukuyan ang mga pagkakamali ng nakaraan, pwede pang isantabi o talikuran ang mga pagsisisi at mga hinanakit, pwede pang piliin na naging masaya at magpasaya ng iba, pwede pang mabigyan ng bagong kabuluhan ang buhay, pwede pang namnamin ang bawat sandali, bago ito lumipas, bago sumapit ang katapusan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagsasayang Ng Pera

 6,155 total views

 6,155 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 13,642 total views

 13,642 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 18,967 total views

 18,967 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 24,775 total views

 24,775 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 30,573 total views

 30,573 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAMULAT

 732 total views

 732 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PRAYER AND SOLITUDE

 733 total views

 733 total views Homily for Friday after Epiphany, 10 Jan 2025, Lk 5:12-16 On two counts, the leper in the Gospel violated the Law of Moses. Firstly, he was not supposed to stay inside a town if he was afflicted by the disease of leprosy. He was supposed to isolate himself by staying in a cave

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

EFFECTS OF PRAYER

 1,858 total views

 1,858 total views Homily for Wednesday after Epiphany, 08 Jan 2025, Mk 6, 45-52 They had just fed 5,000 people. St. Mark tells us Jesus instructed his disciples to serve them in groups of 50 to 100. Even with 100 per group, he would still have needed at least 50 volunteers to do the serving. They

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TEACHING WHILE FEEDING

 3,168 total views

 3,168 total views Homily for Tues after Epiphany, 07 Jan 2025, Mk 6:34-44 Because we are familiar with a two-part Liturgy at Mass that distinguishes between the first part, which we call the Liturgy of the Word and the second part, which we call the Liturgy of the Eucharist, we tend to project it on this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TATLONG REGALO

 733 total views

 733 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Epifania o Pagpapakita ng Panginoon sa mga Bansa, Enero 4, 2025, Mt 2:1-12 May nabasa akong isang feministang cartoon strip tungkol sa pagdalaw ng tatlong Pantas na lalaki “Ano daw kaya ang nangyari kung imbes na mga lalaki ay mga babae ang tatlong Pantas na bumisita sa Sagrada

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE PARABLE OF THE DONKEY

 2,132 total views

 2,132 total views Homily for Thursday before Epiphany, Jn 1:19-28 Today’s readings remind me of the parable of the donkey who thought he was the Messiah when he entered Jerusalem. That was because he was met by crowds of people who were waving their palm branches at him. Some of them were even laying their cloaks

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INA NG PAGASA

 4,448 total views

 4,448 total views Solemnidad ni Mariang Ina ng Diyos, Bagong Taon 2025, Lk 2:16-21 Sa aklat ng Eksodo may isang eksena kung saan naglalambing si Moises sa Diyos. Sabi niya sa Panginoon: kung talagang matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, sana ipakita mo sa akin ang iyong mukha. Sagot daw ng Diyos, “Di mo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KEEP THE FIRE BURNING

 2,136 total views

 2,136 total views Homily for the Episcopal Ordination of Bishop Euginius Cañete, 28 Dec 2024, Matthew 2: 13-18 Dear brothers and sisters in Christ. We are still in the season of Christmas, so let me begin by greeting you a Merry Christmas. What a joy it is to preside at this Eucharist in the company of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGPATULÓY

 12,969 total views

 12,969 total views Homiliya para sa Pasko 2024, Lk 2:1-14 Minsan kahit mga batikang lector at commentator sa simbahan nagkakamali din ng bigkas sa ibang mga Tagalog na salita depende sa diin. Halimbawa, matapos itaas ng pari ang Ostia at sabihing, “Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…”. Sasagot ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LANDAS NG KAPAYAPAAN

 8,547 total views

 8,547 total views Homiliya para sa Huling Simbang Gabi, 24 Dis 2024, Lk 1:67-79 Parang orakulo ng propeta ang narinig nating awit ni Zacarias sa ating ebanghelyo para sa huling simbang gabi: “Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos, magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan,

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUMALIKID

 3,459 total views

 3,459 total views Homiliya para sa Pampitong Simbang Gabi, ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 22 Disyembre 2024, Lk 1: 39-45 Ang Salmong Tugunan ang pinagbatayan ko ng pagninilay ngayong umaga. Pero hindi ako kuntento sa Tagalog translation. Sa literal na Ingles ganito ang sinasabi: “Lord make us turn to you; let us see your face and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NARITO PO AKO!

 9,071 total views

 9,071 total views Homiliya Para sa Panlimang Simbang Gabi, 20 Dis 2024, Lk 1:26-38 Pag nagtaas ka ng kamay para magvolunteer sa isang gawain na hindi mo muna inalam kung ano, at di ka na makaatras matapos na malaman mo kung ano ito dahil naka-oo ka na, mayroon tayong tawag sa Tagalog sa ganyan klaseng sitwasyon:

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUHAY NA MABUNGA

 3,865 total views

 3,865 total views Homiliya Para sa Pang-apat na Simbang Gabi, 19 Dis 2024, Lk 1:5-25 Ramdam ko ang pagkainis sa tono ng salita ni anghel Gabriel sa kuwento ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Ang trabaho lang naman niya ay magdala ng mabuting balita. Kadalasan ang mahirap ay ang magdala ng masamang balita. Kung ikaw

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DI NA MAGLULUWAT

 6,489 total views

 6,489 total views Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36 Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi. Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RED DAY

 20,482 total views

 20,482 total views On this “red day” of my life and ministry as a bishop, allow me to repost a homily I delivered on 25 Nov. 2020, Red Wednesday, entitled “WASHED BY THE BLOOD OF THE LAMB” based on Lk 21:12-19, Memorial of St. Catherine of Alexandria Red is a dangerous color. The Spaniards say if

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top