VeritasPH

The Word, The Truth

Katarungan para sa iilan?

SHARE THE TRUTH

 320 total views

Mga Kapanalig, “life has become so cheap.”

Ito ang naging pahayag ni House Speaker Gloria Arroyo matapos ang pagpatay sa kasamahan niya sa Kongreso na si Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe. Pinaslang ng riding-in-tandem si Ginoong Batocabe dalawang araw bago mag-Pasko sa Albay.

Sa loob lamang ng halos dalawang linggo, nadakip ng mga pulis ang anim na sinasabing sangkot sa pagpatay. Agad namang pinadalhan ng subpoena ang inaakusahang mastermind na si Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay. Ayon sa awtoridad, malaking tulong ang pagsuko at pag-amin ng isa sa mga gunmen. Dagdag pa nila, pulitika ang motibo lalo pa’t tatakbo sa darating na eleksyon si Ginoong Batocabe at magiging katunggali niya si Mayor Baldo. Itinanggi naman ng alkalde ang paratang sa kanya. Patuloy ang imbestigasyon upang malaman na ang katotohanan at mabigyan ng katarungan ang pinatay na kongresista.

Nakakapanibago ang mabilis na aksyon ng mga pulis upang mahuli ang mga nasa likod ng krimen. Natakot sila marahil sa nagngangalit na utos ni Pangulong Duterte na lutasin agad ang kaso. Nariyan din ang 50 milyong pisong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa utak ng krimen. Nakadagdag pa ang political pressure na dala ng makabagbag-damdaming pahayag ni Speaker Arroyo.

Paano kaya kung ganito rin ang panggagalaiti ng pangulo at ng mga kongresista na maresolba ang halos 23,000 kaso ng deaths under inquiry o DUI na naitala ng PNP mula July 2016 hanggang May 2018? Sa loob ng panahong iyon, halos 33 tao bawat araw ang pinatay. Marami sa mga kasong ito ang iniuugnay sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga. Ayon pa sa PNP, mula Oktubre 2017 hanggang May 2018 naman, nasa apat na tao kada araw ang pinatay ng mga riding-in-tandem katulad ng nangyari kay Ginoong Batocabe.

Nakalulungkot na napakababa na nga ng halaga ng buhay ng tao sa ating bansa. Pundasyon ng mahahalagang turo ng ating Simbahan ang kasagraduhan ng buhay ng tao, at naniniwala tayo bilang mga Kristiyano na hindi kailanman magiging tama ang pumatay. Pinakamatinding paglapastangan sa magandang plano ng Diyos para sa ating lahat ang pumatay. Walang katanggap-tanggap na dahilan—pulitika man o kaligtasan ng mga tao—upang kunin natin ang buhay ng ating kapwa. Baluktot din ang paniniwalaang nababawasan ang pagiging tao ng mga adik, pusher, o sinumang lumalabag sa batas.

Pinalulubha naman ng kawalan ng katarungan at ng pagkakait nito ang patuloy na pangingibabaw ng kultura ng karahasan at pagpatay sa ating bansa. Makikita natin ito sa kaso ni Ginoong Batocabe at ng halos 23,000 Pilipinong pinagpapaslang nang walang saysay. Sa isang banda, nalulugod tayo sa mabilis na pag-aksyon sa kaso ng pinatay na kongresista. Sa kabilang banda, kulang na kulang naman ang ginagawa ng kinauukulan upang mabigyan ng katarungan ang libu-libong Pilpinong pinagkaitan ng tamang proseso ng batas. Mahihirap ang karamihan sa kanila—walang posisyon sa pamahalaan, walang mga koneksyon, at ika nga’y walang sinasabi sa lipunan. Ngunit hindi nito binubura ang katotohanang hindi naiiba ang kanilang halaga at dignidad bilang tao sa isang kongresista.

Itinuturo rin sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan na ang katarungan ay ang pagkakaloob ng kung ano ang nararapat sa ating kapwa. Samakatuwid, kung hindi pinapapanagot ng pamahalaan ang mga nasa likod ng pagpatay dahil sa giyera kontra droga, nagiging instrumento ito ng kawalang-katarungan.

Mga Kapanalig, kaisa tayo ng mga nananawagan para sa hustisya para kay Ginoong Batocabe. Ngunit manawagan din sana ang lahat, lalo na ang ating mga lider, ng katarungan para sa libu-libong ginusto at hinayang patayin ng mga nasa poder at mga kakampi nito. Ang katarungan ay para sa lahat. Ang buhay ng lahat ay mahalaga.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,797 total views

 13,797 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,782 total views

 21,782 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 29,318 total views

 29,318 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 45,303 total views

 45,303 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 53,347 total views

 53,347 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 13,798 total views

 13,798 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 21,783 total views

 21,783 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 29,319 total views

 29,319 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 45,304 total views

 45,304 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 53,348 total views

 53,348 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,150 total views

 46,150 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,575 total views

 44,575 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,361 total views

 46,361 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,286 total views

 43,286 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,600 total views

 57,600 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,290 total views

 61,290 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,893 total views

 59,893 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,880 total views

 69,880 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,848 total views

 73,848 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,735 total views

 84,735 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top