VeritasPH

The Word, The Truth

Katiwalian at dekalidad na imprastraktura

SHARE THE TRUTH

 204 total views

Mga Kapanalig, umabot na sa 407 katao ang iniwang patay ng Bagyong Odette. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, 75 sa mga biktima ang kumpirmado na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (o NDRRMC) habang sumasailalim pa sa validation ang iba. Sa pampublikong imprastraktura, tinataya ng Department of Public Works and Highways (o DPWH) na nasa 2.8 bilyong piso ang pinsalang dala ng bagyo.

Sa lawak ng pinsalang idinulot ng bagyo, marapat lamang na siyasatin ang kalidad ng mga nasirang imprastraktura. Noong isang linggo, pinuna ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) President Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David ang isang national highway sa Cebu na nasira sa kasagsagan ng bagyo. Kitang-kita sa mga litratong wala man lang steel bars ang kalsada. Ani Bishop Ambo, hindi nakapagtatakang nadurog at iniwan ni Bagyong Odette na parang dinurog na biskwit ang kalsada. Tanong pa ng obispo, sinong gagawa ng isang national highway sa ganitong paraan?

Kahindik-hindik din ang isang video kung saan makikita ang mga bata at babaeng nag-iiyakan habang unti-unting natutuklap ang bubong ng Siargao Sports Complex Gymnasium. Bahagi ang pasilidad na ito ng 630 milyong pisong proyekto upang mabuo ang Siargao Island Sports and Tourism Complex sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng kasalukuyang administrasyon. Kabubukas lamang sa publiko ng pasilidad noong Nobyembre, sa pangunguna mismo ni Pangulong Duterte. Inasahan ng mga residente ng Siargao na maaari nilang gawing kanlungan ang pasilidad habang nanalasa ang Bagyong Odette, ngunit nalagay pa lalo sa panganib ang kanilang buhay.

Sa gitna ng mga kontrobersiyang ito, tanong ng ilang concerned citizens: bakit kaya mabilis nasira ang mga ito gayong malaki ang ginastos ng ating pamahalaan upang ipatayo ang mga ito? May bahid na naman kaya ito ng katiwalian? Kung inyong matatandaan, Enero ng nakaraang taon nang sibakin sa puwesto ang 14 na inhinyero ng DPWH dahil sa isyu ng katiwalian. Kailangan ng imbestigasyon sa mga imprastrakturang nasira ng bagyo upang masigurong nagagamit ang kaban ng bayan para sa mga proyektong tunay na kapakipakinabang sa taumbayan, lalo na sa panahon ng sakuna.

Itinuturing ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang katiwalian bilang isa sa mga pinakaseryosong kapinsalaan ng demokratikong pamamahala. Ang katiwalian ay pagtataksil sa tiwala ng taumbayang umaasa sa pamahalaang maitaguyod ang kanilang mga karapatan at kaunlaran. Maituturing na kawalan ng katarungan ang korapsyon dahil ipinagkakait nito sa taumbayan ang mga dekalidad na serbisyong dapat nilang nakakamit at napakikinabangan. Sa pagtataksil na ito, humihina ang tiwala ng mga mamamayan sa mga institusyon at nawawalan sila ng ganang makilahok sa pamamahala. Sa madaling salita, hindi lamang porma ng pagnanakaw ang katiwalian. May malalim itong epekto sa ating kaunlaran at hadlang ito sa pagbubuo ng isang mulát na taumbayan.

Sa tindi ng pinsala ng Bagyong Odette sa mga pampublikong imprastraktura pa lamang, tumingkad ang ugnayan ng katiwalian at kaligtasan ng buhay ng tao. Kung mayroon tayong mas matitibay at maaayos na mga kalsada at pasilidad, maaaring mabawasan ang mga pinsalang dulot ng mga kalamidad o ‘di kaya’y mas maagap na makapaghahatid ng tulong ang pamahalaan at iba’t ibang sektor. Kung masisiguro nating nagagamit nang wasto ang pera ng bayan, mayroon tayong matitibay at maayos na mga imprastraktura. Kung walang katiwalian sa pamahalaan, maitataguyod natin ang kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, ayon nga sa Mga Kawikaan 15:27, “Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan…” At lalong nakasusuklam kung ginagamit ang pamamahala ng mga gahaman. Kasabay ng ating pagbangon at patuloy na panawagan upang maibsan ang climate change, nawa’y huwag nating makalimutang papanagutin ang ating mga lider sa mahusay at tamang paggamit sa ating buwis, lalo na’t buhay natin ang nakataya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 3,125 total views

 3,125 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,882 total views

 8,882 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 16,145 total views

 16,145 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 24,130 total views

 24,130 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,666 total views

 31,666 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 3,126 total views

 3,126 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 8,883 total views

 8,883 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 16,146 total views

 16,146 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 24,131 total views

 24,131 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 31,667 total views

 31,667 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,739 total views

 46,739 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,781 total views

 54,781 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,338 total views

 46,338 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,763 total views

 44,763 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,549 total views

 46,549 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,474 total views

 43,474 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,788 total views

 57,788 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,478 total views

 61,478 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,081 total views

 60,081 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,068 total views

 70,068 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top