VeritasPH

The Word, The Truth

Katiyakan sa pagkain

SHARE THE TRUTH

 561 total views

Mga Kapanalig, maituturing nang mapalad ang inyong pamilya kung nakakain kayo nang tatlong beses sa isang araw. Hindi kayo kabilang sa tinatayang 2.7 milyong pamilyang Pilipino na walang pagkain at nakaranas ng gutom kahit isang beses noong unang tatlong buwan ng 2017, ayon na rin sa Social Weather Stations o SWS. Sa bilang na ito, 2.2 milyong pamilya ang nagutom nang isa o higit pang beses; sila ang nakaranas ng tinatawag na moderate hunger. Halos kalahating milyong pamilya naman ang nakaranas ng matinding gutom o severe hunger dahil madalas o halos palagi silang walang makain.

Sa mga pagkakataong may pambili ng pagkain ang mga mahihirap na pamilya—o kahit ang mga hindi mahihirap—unang pinagkakagastuhan ang bigas. Hindi na baleng walang masarap at masustansyang ulam basta’t may kanin na mapagsasaluhan. Ayon sa batikang ekonomistang si Cielito Habito, kahit pa tumaas ang presyo ng bigas, ito ang unang bibilhin ng pamilyang Pilipino. Sa kaso ng mga mahihirap nating kababayan, dahil hindi na kaya ng kanilang bulsa ang makabili pa ng ulam, bibili na lamang sila ng dagdag na bigas o lutong kanin.

Staple food na nga nating mga Pilipino ang kanin, ngunit sa kabila ng pagiging agrikultural nating bansa, marami tayong mga kababayan ang walang sapat na makain, kahit kanin. Mahigit dalawang dekada na tayong umaangkat ng bigas mula sa mga kapitbahay nating bansa gaya ng Vietnam at Thailand, mga bansang sa atin natutunan ang teknolohiya at mga pamamaraan upang mapalaki ang produksyon ng palay. At mukhang magpapatuloy pa ang pagdepende natin sa kanila para sa bigas dahil importasyon pa rin ang nakikitang solusyon ng isa nating mambabatas. May dagdag pa siyang mga mungkahi: Bakit hindi na lamang daw tayo kumain ng mas mahal na brown rice na mas mainam sa ating kalusugan kaysa sa well-milled rice o puting kanin? Dapat na rin daw ipagbawal ang mga promo ng mga restaurant na unlimited rice o unli-rice dahil masama rin daw ito sa kalusugan. Sa halip na magpakasawa sa unli-rice, matuto na raw tayong kumain ng gulay. Tama nga naman.

Ngunit hindi lamang ang dami at kalidad ng pagkonsumo natin ang ugat ng problema sa pagkain. Ano ang saysay ng mungkahing kumain ng gulay at itigil ang unli-rice kung sa simula pa lang, walang kakayanan ang mga mahihirap nating kababayan na bumili ng pagkain, kahit pa ng masusustansyang pagkain? Paano natin matitiyak na kaya na nating punan ang pangangailangan natin sa pagkain, lalo na sa bigas, kung ekta-ektaryang sakahan natin ang ginagawang subdivision, pasyalan, o pribadong mga ari-arian?

Sa ikalawang tanong, may magagawa ang ating mahal na senadora. Maaari niyang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa ating bansa kung isusulong niya ang National Land Use Act o NLUA, isang batas na gagabay sa tamang alokasyon at mas makatarungang paggamit ng lupa. Sisiguruhin ng NLUA na may sapat tayong mga lupa para taniman ng pagkain, gaya ng palay. At sa tulong ng angkop na teknolohiya, magiging masagana ang ani ng ating mga magsasaka. Ngunit dahil siguro sa koneksyon ng kanyang pamilya sa negosyong real estate, ang senadora ang unang tumututol sa NLUA.

Wika ni Pope Francis, naisasabuhay na natin ang ating kinabukasan sa pamamagitan ng ating pagtugon sa pagkagutom at pagkauhaw ng ating kapwa. Sa ating kakayahang tulungan ang mga nagugutom at nauuhaw, nasusukat natin ang pulso ng ating pagkamakatao. Pangmatagalang solusyon sa kakulangan sa pagkain at gutom ang kailangan natin, hindi lamang mga paalala kung ano ang dapat at gaano karami ang dapat nating kainin. Dapat unahin ng ating mga lingkod-bayan sa pamahalaan ang interes ng mga mamamayan at hindi ang interes ng kanilang negosyo. Sa ganong paraan, tunay na mapapawi nila ang kumakalam na sikmura ng mga dukha.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 10,446 total views

 10,446 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 18,491 total views

 18,491 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 23,571 total views

 23,571 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,278 total views

 29,278 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,066 total views

 38,066 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 10,447 total views

 10,447 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 18,492 total views

 18,492 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 23,572 total views

 23,572 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,279 total views

 29,279 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,067 total views

 38,067 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,539 total views

 40,539 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,853 total views

 54,853 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,543 total views

 58,543 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,146 total views

 57,146 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,133 total views

 67,133 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,101 total views

 71,101 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,988 total views

 81,988 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,427 total views

 94,427 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,185 total views

 105,185 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,438 total views

 52,438 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top