Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Korean language, bahagi na ng curriculum ng mga pampublikong paaralan

SHARE THE TRUTH

 569 total views

Kumpiyansa si Department of Education (DepEd) Undersecretary for Planning and Operations Jesus Mateo na mahahasa ang pagiging multi-lingual ng mga mag-aaral sa pagkakadagdag ng Korean language sa curriculum ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.

Inihayag ni Mateo na bahagi lamang ang Korean subject sa Special Program in Foreign Language (SPFL) na ipinagkakaloob ng kagawaran na siyang maghahanda sa mga magsisipagtapos na estudyante na magtatrabaho sa ibang mga bansa.

“Yung Korean offering is part of the Special Program in Foreign Language kasi dati mayroon na tayong Spanish program, French, German, Japanese, and Chinese, gusto natin ang mga bata will take not only English but other languages as well. Ang purpose nito yung mga estudyante natin ay mayroong option to speak different languages other than English or Filipino,” pahayag ni Mateo.

Idinagdag ni Mateo na maraming Filipino ang nagtutungo sa South Korea kada taon at malaking tulong kung matutunan ng mga kabataan ang wika ng mga Koreano na magagamit nila sa hinaharap.

Kaugnay nito, inihayag ng Department of Tourism na nananatili ang South Korea bilang top tourist market ng Pilipinas kung saan 24.72-porsiyento sa kabuuang 5.9-milyong turistang bumisita sa bansa noong 2016 ay Korean nationals.

Sa kasalukuyan ay bahagi na ng curriculum ng mga piling paaralan sa National Capital Region ang Korean language bilang elective subject habang pinag-aaralan pa DepEd ang pagbibigay ng pagsasanay sa karagdagang mga guro na siyang magtuturo ng nasabing lengwahe.

Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco na mas mahalagang pag-aralan at pakinggan ang wika ng Espiritu Santo na siyang gumagabay sa simbahan at nagbibigay ng pag-asa sa sangkatauhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,483 total views

 15,483 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,443 total views

 29,443 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,595 total views

 46,595 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,837 total views

 96,837 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,757 total views

 112,757 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 68,010 total views

 68,010 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 93,825 total views

 93,825 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 133,423 total views

 133,423 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top