Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 394 total views

Homiliya para sa Ika-14 na Linggo ng Karaniwang Panahon, ika-3 ng Hulyo, Luk. 10:1-12, 17-20

Para sa reflection na ito, ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon ay ang sinabi ni San Pablo sa ating second reading. Sabi niya, “Nakatatak sa aking katawan ang mga sugat ni Hesus.” Ang salitang ginamit niya sa Greek ay STIGMATA, plural ng STIGMA, na ang ibig sabihin ay marka ng mga sugat ni Hesus. Pero hindi literal na sugat na katulad ng kay Kristo ang tinutukoy ni San Pablo. Ang tinutukoy niya ay ang maraming mga pagsubok na pinagdaanan niya dahil sa pagiging apostol, mga karanasan na nag-iwan din ng mga marka sa pagkatao niya. (2 Cor 11:23-27)

Ganito para kay San Pablo ang ibig sabihin ng maging alagad: ang makibahagi sa buhay at misyon ni Kristo, gayundin sa kanyang pagdurusa, kamatayan at pagkabuhay. Kaya nga nasabi niya sa mga taga-Galacia, “Ang buhay ko ay hindi na akin. Ito’y kay Kristo na nabubuhay sa akin.” (Gal 2:20)

Madalas kong marinig sa mga evangelical preachers ang tanong “Have you accepted Jesus as your personal Lord and Savior?” Magandang tanong, pero sa tingin ko hindi sapat para ilarawan ang ibig sabihin ng pagiging Kristiyano. Baka kasi isipin natin na ang pagiging disipulo ay pagtanggap lang kay Kristo bilang bahagi ng buhay natin. Baligtad. Hindi siya ang gagawin nating bahagi ng buhay natin; tayo ang ibig niyang gawing bahagi ng buhay at misyon niya. Ang maging Kristiyano ay maging bahagi ng katawan ni Kristo, upang maging KINATAWAN NI KRISTO sa daigdig.

Sa ebanghelyo, ayon kay San Lukas, maraming iba pang mga bayan na ibig sanang dalawin ni Hesus ngunit hindi niya magawa. Kaya ang ginawa niya, imbes na siya mismo ang pumunta, nagsugo siya ng mga alagad para dalawin ang mga bayang iyon, bilang kanyang mga “KINATAWAN”. Sa madaling salita, para bang pinadami niya ang sarili niya sa kanyang mga apostol.

Ano ang mga palatandaan na ang isang alagad ay tunay na kumakatawan kay Kristo? Dalawang tanda ang binabanggit ng ebanghelyo: una, kapayapaan. Pangalawa, kapangyarihan laban sa masasamang espiritu.

Ang sugo ay tagapaghatid ng kapayapaan. Kaya ito ang unang bati ng kinatawan—ang maghatid ng kapayapaan sa ngalan ng nagsugo. Kaya din siguro “Tagapag-ani” o “manggagawa sa anihan” ang tawag ni Hesus sa kanyang mga sugo. Ano ang aanihin kung walang nagtanim? Magandang paalala ito para sa ating lahat. Ang Diyos mismo ang pangunahing tagahasik o tagapagtanim. Nakikitrabaho lang tayo sa kanya. Baka kasi isipin natin na gawain o trabaho natin ito na para bang lahat nakasalalay na sa atin.

Kahit si Pope Francis sinasabi niya ito sa mga nagtatanong kung paano niya nakakayanang gawin ang napakalaking responsibilidad na pamunuan ang Simbahang Katolika na may 1 Billion na miyembro. Ang sagot niya ay, “Kaya mahimbing ang tulog ko at payapa ang loob ko dahil lagi kong ipinaaalala sa sarili ko na hindi ko ito trabaho, trabaho ng Diyos. Nakikitrabaho lang ako sa kanya.”

Ang alagad ay isinusugo upang maghatid ng kapayapaan ni Kristo. Upang manatili siya bilang alagad ng kapayapaan, mahalaga na manatili siyang malaya sa mga materyal na bagay, tulad ng salapi, tirahan, ari-arian, at pati na sa mga mahal sa buhay. Dapat handa siyang manatili kung siya’y tinatanggap at handa rin siyang umalis kapag hindi siya tinatanggap. Hindi niya dapat hahayaang kumapit sa kanya ang mga sama ng loob na parang alikabok.

Ang isa pang tanda na ang sugo ay tunay na kumakatawan kay Kristo ay ang kapangyarihan laban sa masasamang espiritu. Ito ang ibig sabihin ni San Lukas sa pagtukoy niya sa mga ulupong at alakdan. Parehong makamandag ang mga hayop na ito. Kaya nakalalason o nakamamatay ang kagat nila. Parang ganoon din ang paraan ng paglusob ni Satanas. Sinisikap lasunin ng kanyang kamandag ang ating kaluluwa. Sa Markos 16,18 nang isugo ng Panginoon ang mga alagad, sinabihan sila na sila’y pagkakalooban ng Panginoong muling nabuhay ng kapangyarihan na “humawak ng ulupong o uminom ng lason nang hindi naaano.”

Paalala, huwag gagayahin ito sa bahay dahil hindi rin literal ang kahulugan nito. Binabalaan lang ni Hesus ang mga sugo niya na mahalagang matuto silang makitungo, hindi lang sa mababait, kund pati na rin sa mga ugaling parang traidor na ulupong. At ang lason na tinutukoy ay mga kasinungalingan, insulto at paninirang puri. Basta hindi hahayaan ng sugo na pumasok ito sa kanyang sistema, hindi rin siya maaano.

Huling paalala sa sugo—hindi sariling ngalan kundi ngalan ni Kristo ang dapat dalhin niya. Bakit? Dahil bukod-tanging kay Kristo natatakot ang dimonyo. Walang ibang hangad ang diyablo kundi ang ilihis ang sugo sa kanyang misyon. Mahusay siyang mang-udyok sa tao na mahumaling sa sarili at maghangad na dakilain ang sarili at makalimutan na siya’y kinatawan, hindi kapalit. Walang dapat ikagalak ang isang sugo kundi ang masulat sa langit ang kanyang ngalan.

Kapayapaan at kapangyarihan laban sa masamang Espiritu: ito ang dala ng sinumang tunay na kumakatawan kay Kristo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

POGO’s

 11,345 total views

 11,345 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 19,738 total views

 19,738 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 27,755 total views

 27,755 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 34,215 total views

 34,215 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 39,692 total views

 39,692 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 9,079 total views

 9,079 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 11,209 total views

 11,209 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 11,209 total views

 11,209 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 11,210 total views

 11,210 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 11,206 total views

 11,206 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 12,079 total views

 12,079 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 14,280 total views

 14,280 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 14,313 total views

 14,313 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 15,667 total views

 15,667 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 16,763 total views

 16,763 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 20,970 total views

 20,970 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 16,688 total views

 16,688 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 18,058 total views

 18,058 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 18,320 total views

 18,320 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 27,013 total views

 27,013 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top