Kongresistang bumoto pabor sa death penalty, huhubaran ng maskara at papanagutin.

SHARE THE TRUTH

 285 total views

Tutukuyin ni CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mga Kongresistang patagong bumoto para makapasa sa 2nd reading ang death penalty bill sa pamamagitan ng “viva voce” o palakasan ng boses.

Ayon sa Obispo, pananagutin ng Simbahan ang mga mambabatas na ipinipilit maipasa ang parusang kamatayan dahil kailanman ay hindi katanggap-tanggap ang panukalang batas.

“Ang nakakalungkot dito, nagtatago yung mga pulitiko ayaw nilang magkaroon ng nominal voting. Pati yung nominal voting ay tinanggihan nila. Hahanapin natin yan kung sino sila at pananagutin natin yan.”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Hindi naman pinaniniwalaan ni Bishop Pabillo ang lumabas na survey na mas maraming bilang ng mga Filipino ang pabor na maisabatas muli ang parusang kamatayan.

Inihayag ng Obispo na peke o hindi totoo ang mga inilalabas na survey kaugnay sa death penalty at propaganda lamang upang lituhin ang mamamayan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na hindi dapat maging basehan ang popularidad sa pagpasa ng panukalang batas dahil buhay ng tao ang nakataya.

“Hindi ako sang-ayon sa ganyang survey. Palagay ko hindi totoo yung survey na kanilang sinasabi na karamihan ay gusto yung death penalty. At saka yung ating paninindigan ay hindi nakabase sa popularidad. Ang katotohanan, hindi magbabago sa survey, survey,” dagdag pa ng Obispo.

Dahil dito tiniyak ni Bishop Pabillo na magpapatuloy sa paglaban ang Simbahan upang tutulan ang kultura ng kamatayan na lumalaganap sa kasalukuyang administrasyon.

Binigyang-diin ni Caritas Philippines national director Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na nabahiran ng dugo ang kamay ng mga kongresistang bumoto ng yes sa pagsasabatas ng death penalty.

Read: http://www.veritas846.ph/mambabatas-na-yes-sa-death-penalty-nabahiran-ng-dugo-sa-kamay/

Iginiit naman ni CBCP-Permanent Committee on Public Affairs executive secretary Father Jerome Secillano na walang konsensiya at moralidad ang mga Kongresista na bumoto para maipasa sa ikalawang pagbasa ang reimposition ng capital punishment sa Pilipinas.

Naninindigan din ang pari na hindi solusyon ang death penalty sa pagsugpo ng krimen dahil sa “flawed at dysfunctional” na justice system sa bansa.

Bagamat aminado si Father Secillano na walang “voting power” ang Simbahan katulad ng mga mambabatas ay mayroon naman itong “moral suasion”.(Yana Villajos/Newsteam)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 29,680 total views

 29,680 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 71,894 total views

 71,894 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 87,445 total views

 87,445 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 100,611 total views

 100,611 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 115,023 total views

 115,023 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 80,639 total views

 80,639 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Scroll to Top