1,123 total views
Kakulangan sa pagpapapagawa ng imprastraktura ang sinasabing dahilan sa pagbagsak ng isang pwesto ng Pilipinas sa ranking nito sa World Competitiveness Yearbook ng Insitute of Management Development.
Ayon kay University of Asia and the Pacific (UA&P) Prof. Bernado Villegas, ilan sa nagpababa sa kumpiyansa ng bansa ay ang palpak na mass transport system lalo ng mga riles at gayundin nang mapabilang ang paliparan sa pinaka – worst airport sa buong mundo.
“Our very poor infrastructure definitely that is our biggest handicapped. So we have the worst airport in the world, mga nangyayari sa ating mga LRT. I think definitely that’s very negative in competitiveness,” bahagi ng pahayag ni Villegas sa panayam ng Veritas Patrol.
Umaasa naman si Prof. Villegas sa bagong pamunuan ni President-elect Rodrigo Duterte na maia-angat nito ang competitiveness sa loob ng 100 araw kung masosoludyunan ang problemang kinakaharap ng bansa.
Gayundin aniya, tiwala ito na aangat pa ang ekonomiya kung magagawa ang riles sa Luzon hanggang Mindanao sa loob ng anim na taon nitong pamumuno.
“Well in the first 100 days Duterte has to address some of these immediate problems like the LRT maintenance and repairs. And something very sumptuous lights and plates of the cars we don’t even have them yet. So yung madaling gawin and then for the next six years we have to build trains in Luzon, in Mindanao, Duterte has to focus in infrastructure. I think Duterte is more decisive in terms of taking these infrastructure to become reality. Napak – indecisive ni Noynoy,” paliwanag pa ni Villegas sa Radyo Veritas.
Nabatid na nakuha ng bansa ang ika-42 pwesto ngayong taon dahil sa paghina ng economic performance nito.
Niraranggo ng WCY ang may 61 ekonomiya sa buong mundo gamit ang apat na kategorya ang economic performance, government efficiency, business efficiency at infrastructure.
Nauna na ring isinusulong ng Simbahang Katolika ang pagbibigay ng sapat na serbisyo publiko ng gobyerno lalo na sa usapin ng maayos na transportasyon para ikabubuti ng lahat.