356 total views
Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mutual Relations na maipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang paglago ng ekonomiya.
Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, sinunod ng Aquino administration ang mga polisiya sa ekonomiya na nagpalakas ng ng mga may-ari ng negosyo at kumpanya sa Pilipinas.
Nanawagan rin si Archbishop Ledesma sa bagong pamunuan na mapagtutuunan ng pansin ang tamang pamamahala sa pananalapi.
“I think it is the right economic policies na sinunod rin ng Aquino administration we hope na ipagpapatuloy ito ng incoming administration. That we really need good financial management especially in terms ng mga debt management and also making sure that there is proper use of public funds. Kagaya ng for public works ngayon and also for creating more jobs and employment,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na mula 41.9 percent, naging 48.7 percent ang confidence index o business outlook sa ekonomiya ng bansa ayon sa pinakahuling survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Kinuha ang survey nationwide mula April 1 hanggang may 17, 2016 sa 1,482 business respondents.
Ang resulta rin ng survey ay nagpapakita ng tiwala ng business sector sa eight-point economic agenda ni Duterte para sa bansa.