Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kumilos, laban sa banta ng mas matinding pagbaha

SHARE THE TRUTH

 4,827 total views

Patuloy ang pagiging abala ng simbahan na pinangungunahan ng Anak ni Inang Daigdig sa pagtatanim ng puno ng kawayan sa mga river banks sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Fr. Ben Beltran founder ng Anak ni Inang Daigdig, layunin ng programa ay upang labanan ang matinding epekto ng pagbaha na ang pangunahing mga nasasalanta ay ang mga lalawigan sa Luzon kasama na ang Metro Manila.

“Ang problema hindi iyong Marikina, hindi yung Provident Village. Ang problema, ang Mount Ayaas at ilang pang bundok sa Montalban hanggang Bulacan na ay kinalbo ng mga illegal loggers. Kapag hindi natin nataniman ‘yan mas mataas pang mga baha ang mahihintay natin sabi ng mga scientist,” ayon kay Fr. Beltran.

Sa kasakuyan ayon sa pari ay may higit na sa 200 parokya mula sa Diocese ng Antipolo, Cubao at Novaliches ang nag-sponsor ng mga seedlings para mataniman ang may 600 ektarya ng river banks sa Rizal.

Ang Anak ni Inang Daigdig ay grupo ng mga mananayaw mula sa Smokey Mountain at nagtatanghal sa iba’t ibang bansa na itinalaga ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang Ambassadors for Peace and Environment.

Dagdag pa ng pari, ang adbokasiya ng pagtatanim ng kawayan ay limang taon na nilang isinasagawa bagama’t kabilang din sa mga ‘binhi’ ay natangay ng nagdaang bagyong Ulysses.

Bukod sa mga river banks, naghahanda na rin ang grupo para sa gagawing reforestation sa mga bundok ng Sierra Madre kung saan bukod sa kawayan ay pinag-aaralan na rin ang iba pang uri ng puno at damo na maaring itanim na makatulong laban sa baha at mga pagguho ng lupa.

Ayon pa kay Fr. Beltran, binigyan ng permiso ng DENR-Rizal ang simbahan para mataniman ang 600 ektarya ng River banks sa lalawigan.

Umaasa din ang pari sa pakikipagtulungan ng iba pang diyosesis sa buong bansa na suportahan ang hakbang para sa ikatatagumpay ng proyekto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 26,196 total views

 26,196 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 42,284 total views

 42,284 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,944 total views

 79,944 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,895 total views

 90,895 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 4,211 total views

 4,211 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 24,059 total views

 24,059 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top