VeritasPH

The Word, The Truth

LAKBAY AT MISA PARA SA BUHAY

SHARE THE TRUTH

 144 total views

Ni Bishop Ambo David ng Kalookan
(July 02, 2017)

Dalawang klase daw ang mga anay: pula at puti. Iyung pula, iyon ang nakikita at kumakain lang ng balat, halimbawa, iyung nakikita sa mga puno ng mangga. Iyung puti, iyon ang mas delikado; Patago kung bumanat; kumakain sa loob ng kahoy hanggang sa ang matira’y balat na lang. Ito ang mas nakakatakot at tunay na salot. Akala mo buo pa ang poste o pamakuan ng bahay, iyon pala parang sitsaron; wala nang laman sa loob at bigla na lang guguho.

Hindi lang mga bahay ang inaanay. Ang lipunan din. Tulad ngayon, nasa ating piling dito sa Navotas, Caloocan at Malabon ang mga mamamatay-tao. Sa loob lang ng tatlong linggo halos tatlumpu ang napatay nila dito lang sa Navotas. Araw araw silang pumapatay. Kung minsan isang grupo kung bumanat, nakabonnet, nakamotorsiklong walang plaka. Palipat-lipat, pero tulad ng anay na puti hindi sila nakikita. HIndi sila nahuhuli ng mga pulis, hindi rin sila nakikita ng mga tanod sa barangay, kahit merong cctv sa bawat kanto. Yung mga simpleng pagnanakaw tulad ng humahablot ng bag sa kalsada, nakikita sa cctv. Pero yung dumudukot at pumapaslang ng mga taong walang kalaban-laban, sa mga bahay-bahay, hindi sila nakikita. Bakit kaya? Invisible ba sila?

Yung mga pinaslang nila, DUI ang tawag sa kanila, “death under investigation “. Gusto ko sanang malaman kung meron na bang naresolba, kahit isa? Madalas ko kasing marinig kahit sa mga police report, “drug suspect killed by unidentified assailants”. Alam daw nilang drug suspect dahil matagal nang nasa drug watch list. Na para bang ibig sabihin, “case closed”. Na para bang ibig sabihin, ok lang na pinatay sila, dahil addict o pusher talaga. Akala ko ang giyera sa droga ay laban sa mga katumbas ng mga drug cartels sa Mexico. Pero meron na bang natukoy na drug cartel dito sa atin kahit isa? Kung giyera ito, sino ang kalaban nila? Bakit mga dukha ordinaryong mga tao ang mga biktima?

Kapag tinatanong ko sa kapulisan kung meron bang nareresolba sa mga kaso, ang sabi nila, wala naman ho kasing nagpafile ng kaso, at walang gustong tumestigo.

Ang mga puso at isip natin, inaanay din. Kinakain ng takot at pangamba. Marami naman talagang nakakakita, pero pabulong sinasabi, baka nga naman kasi madamay pa sila. Baka balikan sila, baka gantihan. Baka ilagay din ang pangalan nila sa drug watch list na ngayon ay naging death list. Baka saktan nila ang pamilya mo, nanay mo, anak mo, kapatid mo. Kaya tatahimik ka na lang.

Tama si Hesus sa sinabi niya sa Ebanghelyo: kung minsan hindi talaga natin mapanindigan ang tama at totoo dahil iniisip natin ang magulang, anak, o kapamilya natin. Tatahimik na lang tayo dahil mas mahal natin ang sariling buhay natin at seguridad.

Pero heto ang babala niya: pag mas mahal daw natin ang sariling kapakanan at buhay natin mas madali itong lapastanganin, nakawin, sirain. (Ang nagmamahal ng buhay niya ang siyang mawawalan nito.) Sa kabilang dako, pag handa nating isantabi ang sariling kapakanan at buhay natin, mas nakikita natin ang saysay nito. (Ang handang mawalan ng buhay niya ang siyang makatatagpo nito.)

Kaya tayo naririto. Huwag nating hahayaang ang mga buhay ng mga taong nilikha ng Diyos na sagrado at banal ay mauwing mga statistics o bilang na lang. Alam ko na ilan sa mga bangkay ng mga pinaslang na nasa mga morgue ay hindi pa rin nakikilala. Walang pangalan kaya sa listahan ng mga biktima, mga bilang lang sila. Narito tayo para bigyan ng mukha at pangalan ang mga biktima, at para makita at makilala din ang mga kapamilya nila. Na katulad lang natin sila, kumakain din ng kanin at ulam, kumakayod din para mabuhay, nadiddepress din at kung minsan nabibiktima ng bisyo dahil ibig tumakas sa katotohanan.

Katulad ni Luzviminda Siapo, na naririto at nakiisa sa ating Misa, siya ang OFW na bumalik galing sa Kuwait, biyudang inang ng biktimang si Raymart Siapo—19 taong gulang, isang kabataang may kapansanan na nakasagutan lang ng kapitbahay ay biglang nalagay sa drug watch list at pinatay kinabukasan. Sabi ni Luzviminda masuwerte pa daw ang nanay niya at anak niyang dalagita na hindi dinatnan ng mga sa bahay si Raymart. Kung inabot daw siya, malamang patay na rin ang nanay niya at isa pang anak na ten years old. Muntik na siyang maubusan ng kapamilya. Kaya minabuti na niyang huwag nang bumalik sa Kuwait, para makasama ang nanay niya at anak na dalagita.

Bakit nasabi niyang masuwerte pa siya? Nabalitaan na rin kasi niya ang mas malagim na pangyayari sa Caloocan city ilang buwan na ang nakakaraan. Mga naka-bonnet din ang dumalaw, sa bahay naman ng Santor Family. Hinahanap daw ang diumano’y drug suspect na si Jay-R Santor. Dahil ayaw sabihin kung nasaan si Jay-R, ang apat na kaibigan na nakatambay sa tapat ng bahay nina Jay-R ang pinagbabaril at pinatay, si Jonel Segovia, kinse anyos, sina Sonny Espinosa at Angelito Soriano na parehong 16 anyos, at si Kenneth Lim, 20 anyos. Hindi pa sila tapos. Ganoon din ang ginawa sa loob ng bahay; minasaker ang buong pamilya: si Cristina Santor, nanay ni Jay-R, si Ednel Santor, kapatid na lalaki ni Jay-R, at si Analyn, buntis na kapatid ni Jay-R. Sa loob lang ng 5 minuto, walo ang napatay nila, kasama na ang sanggol sa tiyan ni Analyn. Pero ang talagang hinahanap nila ay hindi nila natagpuan doon. Nalagay silang lahat sa partial list ng mga casualties ng giyera sa droga. Pero ang description ng kamatayan: “killed by unknown hitmen” (mga hindi kilalang mga mamamatay-tao). Hindi daw nakilala dahil mga naka-bonnet din.

Kaya pala nagpapasalamat na rin si Luzviminda, na at least buhay pa ang nanay at anak niyang dalagita. Pero hindi daw siya matatahimik hangga’t hindi niya makita ang tunay na pagmumukha ng mga pumatay sa anak niya.

Sa aking homilya noong ilibing si Raymart, nasabi ko: “Nais kong ipaabot sa mga pumaslang kay Raymart—kung nakikinig kayo (at madalas ganyan naman ang mga kriminal, bumabalik pa sila at umaali-aligid upang panoorin ang epekto ng kanilang ginawa.)” Sabi ko, “Kung nakikinig kayo, ibig kong malaman ninyo na alam ng Diyos kung sino kayo. Hindi ninyo maitatago sa kanya ang mga mukha ninyo, kahit magbonnet pa kayo. Kilala kayo ng Diyos. Nais kong malaman ninyo na ang pinatay ninyo ay hindi lang si Raymart kundi sarili ninyo, mga kaluluwa ninyo. Habambuhay kayong uusigin . Hindi kayo patatahimikin ng konsensya ninyo.”

Kung narito din sila ngayon at nakikinig, gusto kong antigin ang kanilang mga konsensya, baka sakali, buhay pa. Baka sakali hindi pa lubos na nginatngat ng anay na kumakain ng kaluluwa. Sila ang mas kawawa, kung tutuusin.

Walang makabubuhay sa mga patay na konsensya kundi ang pag-ibig ni Kristo na handang magpatawad kahit pa sa pinakamasahol na krimen. Di ba’t sinabi niya, “Tanggapin ninyong lahat ito at inumin; ito ang kalis ng aking dugo, ng bago at walang haggang tipan, ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.”

Kami rin po Panginoon ay patawarin mo sa aming mga kataksilan at pagwawalang bahala. Iligtas mo po kami sa mga anay na sumisira sa aming lipunan. Salamat sa biyaya ng Eukaristiya, sa biyaya ng patawad at kaligtasan pati sa mga traydor at mga bagong Hudas sa aming bayan, kahit ang maging kapalit pa nito ay buhay mo, katawan at dugo mo, para sa katubusan ng mga kasalanan ng sangkatauhan.

Hesus, hari ng kapayapaan, maawa ka sa amin at sa buong sanlibutan. AMEN.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 15,796 total views

 15,796 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 23,841 total views

 23,841 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 28,921 total views

 28,921 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,627 total views

 34,627 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,415 total views

 43,415 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 2,861 total views

 2,861 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 8,746 total views

 8,746 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 9,877 total views

 9,877 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 7,727 total views

 7,727 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »
photo source: Roman Catholic Diocese of Novaliches
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SCAD, ilulunsad sa Diocese of Novaliches

 14,849 total views

 14,849 total views Opisyal na ilulunsad Super Coalition Against Divorce (SCAD) na binubuo ng iba’t ibang mga grupo at institusyon ng Simbahan laban sa isinusulong na diborsyo sa Pilipinas. Halos isang buwan mula ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-22 ng Mayo, 2024 ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill ay nagkaisa ang

Read More »
Photo Source: St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

National Historical marker, iginawad sa Cabanatuan cathedral

 14,240 total views

 14,240 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o mas kilala bilang Cabanatuan Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral kung saan ang kumbento ng Simbahan ay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

 13,873 total views

 13,873 total views Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR. Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese ng Malolos, naglabas ng pahayag laban sa Absolute Divorce Act

 14,599 total views

 14,599 total views Naglabas ng opisyal na pahayag ang Diyosesis ng Malolos patungkol sa panukalang batas na nagpapahintulot ng Absolute Divorce sa bansa. Sa pahayag ng diyosesis na may titulong ‘Pananagutan ang Pagmamahal’ ay binigyang diin ng Diyosesis ng Malolos na pinangangasiwaan ni Bishop Dennis Villarojo na mahalagang muling pagnilayan at suriin ang pagsasabatas ng diborsyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 26,847 total views

 26,847 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 27,169 total views

 27,169 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 27,724 total views

 27,724 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 31,345 total views

 31,345 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 30,925 total views

 30,925 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 32,496 total views

 32,496 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 34,530 total views

 34,530 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top