1,126 total views
Pagbibigkis sa mamamayang Filipino na tutol sa death penalty ang isinagawang 21-day caravan ng Lakbay Buhay na pinangungunahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA)
Ayon kay Fr. Atilano Fajardo, head ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila at convenor ng Huwag Kang Magnakaw Movement, ang hakbang ay upang magbigay ng impormasyon hinggil sa death penalty at kung bakit ito tinututulan ng iba’t ibang grupo lalo na ng simbahang katolika.
Paliwanag ni Fr. Fajardo, kailangang maimulat ang bawat Filipino na tutulan na maisabatas ang parusang kamatayan.
“Lalo na ang nangyayari sa respect for life…ang Lakbay Buhay is more on conscientization throughout the Philippines to gather together yung initiatives. Siya yung nagiging tali, para pag-isahin ang bansa,” ayon kay Fr. Fajardo sa panayam ng Radio Veritas.
Tiniyak din ng pari na kaisa ang Huwag Kang Magnakaw movement sa adbokasiya ng Lakbay Buhay upang tutulan ang capital punishment at sa halip ay isulong ang kasagraduhan ng buhay.
Read:
21 araw na Lakbay-Buhay pilgrimage, suportado ng multi-sectoral group
Ang Lakbay-Buhay ay pinakamalaking anti-death penalty mobilization na inorganisa ng CBCP-NASSA, Diocesan Social Action Centers, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Radio Veritas at ilan pang mga grupo na tutol sa death penalty.
Bukod sa Pilipinas, may 100 pang bansa sa buong mundo ang walang batas na pagpapataw ng parusang kamatayan.
Sa Sabado, inaasahang nasa Legazpi City ang caravan, habang sa mga susunod na araw ay magtutungo sa Naga City, Gumaca, Lucena, San Pablo, Lipa BAtangas, Imus Cavite at CAMANAVA area, sa paaralan gaya ng Ateneo de Manila University, University of Sto. Thomas at sa Senado.