216 total views
Hinangaan ng kanyang kabanalan Francisco ang katangian ng mga Pilipina sa pagiging maalaga at mapagmahal sa matatanda.
Ayon kay Philippine Ambassadress to the Holy See Mercedes Tuason, saludo ang Santo Papa sa pagbibigay kahalagahan at hindi pagsasantabi ng mga Pilipina sa matatanda sapagkat ang kaugaliang ito ay natatangi sa buong mundo.
“Do you know what the Holy Father said? The Pope told me ‘Do you know why I like the Filipinas because they take care of their old people.’ We don’t send them to the home of the old, no. We take care of them, they stay with you and he really loves that, that we take care of everybody,” pahayag ni Tuason sa Radio Veritas.
Idinagdag pa ni Tuason na likas sa mga ina ang pagiging mapagbigay at pag-abot ng kamay sa mga taong lubos na nangangailangan.
Read:
Mga Ina, mapagmahal at nagbibigay ng buhay
Kaugnay nito ay ipagdiriwang sa darating na Linggo May 14 ang Mothers’ Day kung saan kinikilala ang agpupunyagi ng bawat ilaw ng tahanan.
Una nang pinuri ni Pope Francis ang mga ina dahil sa hindi matutumbasang sakripisyo at pagmamahal na kanilang ipinararamdam upang itaguyod ang kanilang pamilya.
Bukod sa pagiging ina ng tahanan, malaking bahagi rin ng mga babae sa kasalukuyan ay nagtatrabaho para maitaguyod ang kanilang pamilya.
Base sa Philippine Commission on Women noong 2013, mula sa higit 30 milyong bilang ng mga nagtatrabaho sa bansa umaabot sa 14 na milyon dito ay pawang mga kababaihan.