BEC’s mahalagang tulay, para imulat ang publiko sa kasagraduhan ng buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,439 total views

Kinakailangan pang palawakin ang pagtuturo sa mga mahihirap na komunidad kaugnay sa kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang.

Ito ang inihayag ni Bro. Rudy Diamante, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commisson on Prison and Pastoral Care, dahil aniya marami pang mamamayan ang hindi nakakaunawa sa tunay na magiging bunga ng pagkakaroon ng Death Penalty sa Pilipinas at ang patuloy na paglaganap ng Extra-Judicial Killings.

Ayon kay Diamante, magandang pagkakataon ang pagdiriwang ng Year of the Parish as Communion of Communities upang mapalawak sa bawat sangay ng komunidad ang mga aral patungkol sa pagpapahalaga sa buhay.

“Very appropriate ngayon yung ating theme as we move towards our 500 years [of Christianity] na Parish as the communion [of Communities]. Dun papasok ang Basic Ecclesial Community natin. Ako I still believe na we still have to [go] underground, yun bang koneksyon natin sa baba, nang sa ganun ay mamobilize natin yung mga tao, makipag-ugnayan dun sa mga tao,” bahagi ng pahayag ni Diamante sa programang Veritas Pilipinas.

Hinimok din ni Diamante ang mamamayan na matutong umunawa kung ano ang tama at maling impormasyong ipinababatid ng Media sa taumbayan.

Dapat din aniyang maging “proactive” ang bawat isa sa pagkondena sa death penalty at sa patayang nagaganap sa bansa, dahil maaaring malinlang ang lipunan sa tunay na nagaganap sa Pilipinas.

“Halimbawa yung ginawa ng brother Redemptorist na sinasabing walang patayan, e di sumama siya ngayon sa mga photographers na kumukuha ng litrato nung mga biktima ng killings, pagkatapos kinunan ng litrato, inexhibit, ngayon umikot yung exhibit na yun para ipakita na ito yung documentation,” dagdag pa ni Diamante.

Batay pa sa tala ng PDEA, mayroon nang naitatalang 9,432 bilang ng homicide cases sa bansa sa pagsisimula ng Duterte Administration noong July 1, 2016 hanggang nitong March 31, 2017.

Mula sa naturang bilang, nasa 1,847 lamang ang sinasabing may kinalaman sa iligal na droga. Naninindigan naman ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na mapipigilan ang paglaganap ng culture of death sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng aral ukol sa kasagraduhan ng buhay.

Read:
Kawalang-muwang ng Filipino sa death penalty, oportunidad para sa simbahan

Save lives! Lakad para sa karahasan

Death Penalty, isang sociological sin

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 21,797 total views

 21,797 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 43,802 total views

 43,802 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 68,144 total views

 68,144 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 91,955 total views

 91,955 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 126,114 total views

 126,114 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 302,557 total views

 302,557 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top