Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 9,131 total views

Homiliya para sa Huling Simbang Gabi, 24 Dis 2024, Lk 1:67-79

Parang orakulo ng propeta ang narinig nating awit ni Zacarias sa ating ebanghelyo para sa huling simbang gabi: “Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos, magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.”

Kung may mga taong walang ibang pinapangarap ngayon kundi kapayapaan ngayong kasalukuyan, ito’y walang iba kundi ang mga Palestinong patuloy na nabubuhay bilang mga refugees sa Gaza mula sa mga lupang nilisan nila at inokupahan ng Israel. Wala akong maisip na ibang tao sa mundo na nabubuhay sa kadiliman at laging nasa lilim ng kamatayan kundi sila.

May kakilala akong isang Palestinian Catholic na taga-Bethlehem. Nagtxt sa akin dahil gustong ibenta ang bahay niya at maghanap ng ibang bansa kung saan pwedeng manirahan. Matanggap daw kaya siya sa Pilipinas kung mag-apply siya bilang refugee? Walang pag-asa dito sa Bethlehem, sabi niya. Dahil sa giyera huminto ang turismo at pilgrimages, ang tanging pinagkakakitaan nila. Jobless siya ngayon.

Iniuugnay natin ang Pasko sa Bethlehem. Pati mga dekorasyon nating sabsaban pag Pasko tinatawag nating Belen, Kastila ng Bethlehem, ang bayang sinilangan ng haring David, at ng Panginoong Hesukristo. Sa tingin ko, kung ngayon maghahanap ng pagsisilangan ang Sagrada Pamilya, hindi sila sa Bethlehem kundi sa Gaza strip makikipanuluyan at makahanap ng gumuhong bahay na panganganakan ng anak ng Diyos.

Dahil Kristiyano ang nakararami sa atin sa Pilipinas, alam kong mas malaki ang simpatya ng maraming mga Pilipino sa Israel kaysa Palestinians na akala ng marami ay panay mga Muslim, ewan ko lang kung ramdam ba natin ang pangarap na kapayapaan ng mga taga-Gaza. Siyempre, nangangarap din ng kapayapaan ang Israel, pero paano din sila mapapayapa kung pinaiikutan sila ng mga kaaway?
Noong nakaraang araw, nagsalita ang ating Santo Papa, Papa Francisco, ng pahayag ng pagkalungkot at pagkadismaya sa pinakahuling pambobomba ng mga puwersang militar ng Israel sa mga Palestino sa Gaza. Sabi ni Pope Francis, “Kahapon, binomba na naman ang mga bata sa Gaza. Sabi niya, “Hindi na ito simpleng giyera kundi kalupitan.” At sinasabi daw niya ito dahil nababagabag ang kanyang puso. Alam kasi niya na nadagdagan na naman ang napakahaba nang listahan ng mga biktima ng giyerang paghihiganti ng Israel sa ginawang paglusob grupong Hamas noong nakaraang October 7, 2023.

Matatandaan na nilusob ng Hamas ang Israel noong nakaraang taon 2023. Humigit-kumulang sa 1,200 na Israeli ang pinatay nilang walang kalaban-laban—at mga 30 dito ay mga bata. Mayroon din silang kinidnap na mga 250 Israeli na hawak nila bilang hostage hanggang ngayon, at mga 30 dito ay mga bata rin. Bilang ganti, isang taon nang pinauulanan ng mga bomba ng Israel ang Hamas sa Gaza, at ang giyerang ito ay nagdulot na ng pagkamatay ng mahigit sa 45,000 na Palestinians. Mga 17,500 sa mga ito ay mga bata. Nakapatay ng halos 36 na bata ang Hamas sa Israel noong 2023 at mga 30 ang hinostage; imultiply mo ng 583 ang 30 x para sa bawat batang Israeli para matumbasan ang 17,500 na batang Palestinians. Ang katuwiran ng Israel ay, dahil ginagawa daw na human shield ng mga Hamas ang mga Palestinian communities sa Gaza. Tinatawag nilang terorista ang paraan ng mga Hamas, pero nagagalit sila kapag tinawag na terorista ang paraan ng gubyerno nila. Gantihan lang.

Hindi alam ng marami na ang mga Palestinians sa Gaza ay hindi lahat Muslim; marami ding mga Kristiyano sa kanila, mga Katoliko. Sakop sila ng Patriarkang Latin ng Jerusalem na si Cardinal Pierbattista Pizzaballa, na hindi pinayagan ng mga militar ng Israel na makapasok sa Gaza para dalawin sila. Sa kabutihang palad, kahapon, matapos na batikusin ni Pope Francis ang huling pambobomba sa Gaza, pinahintulutan na ng Israel na makapasok at makadalaw si Cardinal Pissaballa sa kanyang mga kababayang Palestino na matagal nang nagmamakaawa na itigil na ang giyera. Biktima silang lahat sa patigasan ng paninindigan ng Hamas at ng gubyerno ng Israel.

Kaya kinikilabutan ako habang nakikinig sa unang pagbasa, nang sabihin ni propeta Natan ang pinasasabi ng Panginoon kay Haring David: “Kasama mo ako saan mang dako at lahat ng mga kaaway mo ay aking nilipol…” Bibigyan daw ng Panginoon ng lupa ang Israel doon sila patitirahin at wala nang gagambala sa kanila roon at mang-aalipin sa kanila…” Napakalayo na ng Israel na tinutukoy sa pagbasa sa kasalukuyang Israel. Hindi na Israel na dehado at walang kalaban-laban at kinakawawa ng mga makapangyarihan, kundi Israel na agresibo at llamado sa giyera at suportado ng world powers.

Kung iniisip ng Israel na natupad na ang hula ng propeta sa kanila, sa tingin ko nagkakamali sila. Sinabi rin kasi ng propeta, “Magiging payapa ka sapagkat wala nang gagambala sa iyo…”. Ang kahulugan ng Jerusalem, Yirushalaim sa Hebreo ay siyudad ng Kapayapaan, pero hanggang ngayon, walang pa ring kapayapaan sa bayang iyon.

Saan sila nagkamali? Siguro katulad ni David, akala ng Israel, upang matupad ang pinapangarap nilang kapayapaan, kailangang ipagtayo nilang muli ng bahay o templo ang Panginoon. Tama si Natan—“Baligtad. Hindi ikaw kundi ang Diyos ang magtatayo ng bahay para sa iyo.” Kaya niya piniling makipanuluyan sa sangkatauhan—upang turuan tayo kung paano lumakad tungo sa landas ng kapayapaan. Hindi mangyayari iyon hangga’t kaaway ang turing natin sa isa’t isa. Magkakaiba man tayo ng relihiyon, o kultura, o lahi, iisang Diyos lang ang ating pinagmulan—Diyos ng pag-ibig, Diyos na nagpapakumbaba, Diyos na hindi tumatawag ng paghihiganti o naniningil ng kasalanan kundi Diyos na nagpapatawad. Diyos na nagpapakilala sa sangkatauhan bilang Ama, upang matutunan natin ituring ang bawat isa bilang kapatid. Sa gayun lang matutupad ang orakulo, hindi sa paligsahan ng lakas, hindi sa gantihan ng mata-sa-mata at ngipin-sa-ngipin. Idalangin natin na magising na tayo mula sa kahibangan at mahimasmasan upang atin nang matagpuan ang tunay na landas patungo sa kapayapaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang kinse kilometro

 5,725 total views

 5,725 total views Mga Kapanalig, nagsampa ng kaso ang Mercidar Fishing Corporation noong 2023 sa Malabon Regional Trial Court (o RTC) para kuwestuyinin ang pagiging constitutional o sang-ayon sa ating Saligang Batas ang paglalaan ng municipal waters sa mga munisipal at artisanong mangingisda. Hiningi ng korporasyong pahintulutan ang mga commercial fishers na makapangisda sa municipal waters. 

Read More »

Kahalagahan ng fact-checking

 12,173 total views

 12,173 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 19,123 total views

 19,123 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 30,038 total views

 30,038 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 37,772 total views

 37,772 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 1,632 total views

 1,632 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural na proseso ng pag-alam ng likas na talino ng tao at pagsusumikap natin na matuto upang humantong sa pag-unawa. Tingnan ninyo, kahit ang Anak ng Diyos ay nagbigay-daan upang matuto

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 3,772 total views

 3,772 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about it being so hard to enter the kingdom of heaven. Until I realized that it would be easier to get the sense of what Jesus is saying by inverting the

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAMULAT

 1,318 total views

 1,318 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PRAYER AND SOLITUDE

 1,319 total views

 1,319 total views Homily for Friday after Epiphany, 10 Jan 2025, Lk 5:12-16 On two counts, the leper in the Gospel violated the Law of Moses. Firstly, he was not supposed to stay inside a town if he was afflicted by the disease of leprosy. He was supposed to isolate himself by staying in a cave

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

EFFECTS OF PRAYER

 2,444 total views

 2,444 total views Homily for Wednesday after Epiphany, 08 Jan 2025, Mk 6, 45-52 They had just fed 5,000 people. St. Mark tells us Jesus instructed his disciples to serve them in groups of 50 to 100. Even with 100 per group, he would still have needed at least 50 volunteers to do the serving. They

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TEACHING WHILE FEEDING

 3,754 total views

 3,754 total views Homily for Tues after Epiphany, 07 Jan 2025, Mk 6:34-44 Because we are familiar with a two-part Liturgy at Mass that distinguishes between the first part, which we call the Liturgy of the Word and the second part, which we call the Liturgy of the Eucharist, we tend to project it on this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TATLONG REGALO

 1,319 total views

 1,319 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Epifania o Pagpapakita ng Panginoon sa mga Bansa, Enero 4, 2025, Mt 2:1-12 May nabasa akong isang feministang cartoon strip tungkol sa pagdalaw ng tatlong Pantas na lalaki “Ano daw kaya ang nangyari kung imbes na mga lalaki ay mga babae ang tatlong Pantas na bumisita sa Sagrada

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE PARABLE OF THE DONKEY

 2,718 total views

 2,718 total views Homily for Thursday before Epiphany, Jn 1:19-28 Today’s readings remind me of the parable of the donkey who thought he was the Messiah when he entered Jerusalem. That was because he was met by crowds of people who were waving their palm branches at him. Some of them were even laying their cloaks

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INA NG PAGASA

 5,034 total views

 5,034 total views Solemnidad ni Mariang Ina ng Diyos, Bagong Taon 2025, Lk 2:16-21 Sa aklat ng Eksodo may isang eksena kung saan naglalambing si Moises sa Diyos. Sabi niya sa Panginoon: kung talagang matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, sana ipakita mo sa akin ang iyong mukha. Sagot daw ng Diyos, “Di mo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KEEP THE FIRE BURNING

 2,720 total views

 2,720 total views Homily for the Episcopal Ordination of Bishop Euginius Cañete, 28 Dec 2024, Matthew 2: 13-18 Dear brothers and sisters in Christ. We are still in the season of Christmas, so let me begin by greeting you a Merry Christmas. What a joy it is to preside at this Eucharist in the company of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGPATULÓY

 13,553 total views

 13,553 total views Homiliya para sa Pasko 2024, Lk 2:1-14 Minsan kahit mga batikang lector at commentator sa simbahan nagkakamali din ng bigkas sa ibang mga Tagalog na salita depende sa diin. Halimbawa, matapos itaas ng pari ang Ostia at sabihing, “Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…”. Sasagot ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUMALIKID

 4,043 total views

 4,043 total views Homiliya para sa Pampitong Simbang Gabi, ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 22 Disyembre 2024, Lk 1: 39-45 Ang Salmong Tugunan ang pinagbatayan ko ng pagninilay ngayong umaga. Pero hindi ako kuntento sa Tagalog translation. Sa literal na Ingles ganito ang sinasabi: “Lord make us turn to you; let us see your face and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NARITO PO AKO!

 9,655 total views

 9,655 total views Homiliya Para sa Panlimang Simbang Gabi, 20 Dis 2024, Lk 1:26-38 Pag nagtaas ka ng kamay para magvolunteer sa isang gawain na hindi mo muna inalam kung ano, at di ka na makaatras matapos na malaman mo kung ano ito dahil naka-oo ka na, mayroon tayong tawag sa Tagalog sa ganyan klaseng sitwasyon:

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUHAY NA MABUNGA

 4,445 total views

 4,445 total views Homiliya Para sa Pang-apat na Simbang Gabi, 19 Dis 2024, Lk 1:5-25 Ramdam ko ang pagkainis sa tono ng salita ni anghel Gabriel sa kuwento ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Ang trabaho lang naman niya ay magdala ng mabuting balita. Kadalasan ang mahirap ay ang magdala ng masamang balita. Kung ikaw

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DI NA MAGLULUWAT

 6,792 total views

 6,792 total views Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36 Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi. Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top