Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 248 total views

Kahit saang bahagi ng mundo ngayon kapanalig, tila madilim ang langit. Binabalot ng lungkot ng trahedya ang maraming mga bansa hindi lamang dahil sa global pandemic ng COVID-19, kundi sa mga kongkretong epekto ng climate change na damang dama na sa maraming bahagi sa buong mundo. Ayon sa United Change Climate Change Report, “Code Red” na ang sangkatauhan ngayon. Ang pag-init ng ating mundo ay nasa bingit na peligro, at malapit na ang panahon na hindi na natin mapipigilan ito. Tayo, ang mga tao, ang dahilan nito.

Ang mga extreme weather events ay nadadama na sa maraming parte ng mundo, gaya ng mga super typhoons at ang mga heat waves. Ayon sa report, ang mga severe heat waves na nangyayari isang beses kada 50 taon dati ay nangyayari na kada sampung taon. Sa ating bansa, ang mga mala-Ondoy na pagbaha ay mas madalas na nating nararanasan. Sa ibang parte naman ng mundo, ang mga matinding tagtuyot ay mas madalas na ring nadama–1.7 times–ang bilis-ayon sa report. Sa kasalukuyan, forest fires naman ang nadadama sa California, Greece pati sa Algeria.

Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na kumilos ang ating mundo upang ating maiwasan ang mga epekto ng climate change. Ang best case scenario para sa ating mundo, kapanalig, ay ang paglimita ng pag-init ng ating mundo ng hanggang 1.5 degree Celsius lamang  sa pamamagitan ng pagbaba ng global CO2 emissions – hanggang net zero pagdating ng 2050. Ang mga goals o  mithiin na ito ay napapa-saloob sa Paris Agreement–isang legally binding international treaty o internasyonal na kasunduan.

Malawakang pagbabago at transpormasyon ang kailangan ng mundo upang makamit ang mga mithiin na ito. Unang una, malawakan at mabilisang “shift” o paglipat sa mga sustainable sources of energy ang kailangan. Sa ngayon, fossil fuels pa rin ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng mundo at two-thirds ng CO2 emissions ay mula din dito. Kung papalitan ito ng renewable sources of energy, may posibilidad na ating makamit ang net zero emissions pagdating ng 2060.

Kung magagawa ito ng maraming ekonomiya sa buong mundo, hindi lamang mga extreme weather events ang mababawasan. Magiging mas malusog din ang mga mamamayan–bawas ang polusyon at mas magiging maka-kalikasan rin ang mas maraming tao. Dagdag pa rito, maraming trabaho ang maaring malikha. Ayon sa Global Renewables Outlook, maaring 42 milyong trabaho ang malikha pagdating ng 2050 kung mamumuhan ang mundo sa renewable energy systems.

Ang pangangalaga sa ating mundo ay hindi “optional-” kung hindi natin gagawin ito, tayo ang mawawala, hindi lamang tayo mawawalan. Ayon nga sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good ng U.S. Conference of Catholic Bishops-  Ang global climate change ay hindi ukol sa teoryang pang-ekonomiya o platapormang pampulitika. Ito ay ukol sa kinabukasan ng nilikha ng Diyos at ng ating global na pamilya.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,291 total views

 69,291 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,066 total views

 77,066 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,246 total views

 85,246 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,858 total views

 100,858 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,801 total views

 104,801 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,292 total views

 69,292 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 77,067 total views

 77,067 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,247 total views

 85,247 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 100,859 total views

 100,859 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 104,802 total views

 104,802 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,404 total views

 59,404 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,575 total views

 73,575 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,364 total views

 77,364 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,253 total views

 84,253 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,669 total views

 88,669 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,668 total views

 98,668 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,605 total views

 105,605 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,845 total views

 114,845 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,293 total views

 148,293 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,164 total views

 99,164 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top