Penitential walk for protection vs COVID-19, isinagawa ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 617 total reads

Nagsagawa ng ‘Penitential Walk for Protection against COVID-19’ ang mga lingkod ng Simbahan ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan.

Ang isinagawang Penitential Walk ng Bikaryato na pinangunahan ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona noong ika-13 ng Agosto, 2021 ang nagsilbing pangwakas na gawain para sa annual 4-day retreat ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa clergy na nagtapos sa pamamagitan ng isang Banal na Misa sa Immaculate Conception Cathedral.

Sa pagninilay ni Bishop Mesiona, ibinahagi ng Obispo na layunin ng isinagawang Penitential Walk ng mga Pari ng bikaryato na magsumamo para sa habag, awa at pag-ibig ng Panginoon sa banta ng COVID-19 sa buhay ng bawat isa.

Ayon sa Obispo, isa ring paraan ang isinagawang penitential walk at pananalangin ng Santo Rosaryo upang humingi ng pagpapatawad sa mga pagkakasalang nagawa ng bawat isa at mapagpakumbabang humingi ng awa sa Panginoon upang mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

“Ang purpose po ng penitential walk na yun ay humingi sana tayo sa Panginoon na kaawaan, kabahagan at he will intervene para matigil na po itong pandemic na ito kasi medyo matagal na po, mahigit dalawang taon na po tayong nandito sa pandemyang ito sanhi ng COVID-19. Tayo po ay nagpapakumbabang nagmamakaawa sa ating mahal na Panginoon na sana ay tulungan niya tayo para matigil na ang pandemyang ito, para makabalik na tayo sa ating normal na buhay,” pagninilay ni Bishop Mesiona.

Nilinaw naman ng Obispo na para sa kapakanan at kaligtasan ng publiko mula sa COVID-19 ang hindi pagpapahintulot ng bikaryato sa mga mananampalataya na makisama at makilahok sa isinagawang Penitential Walk lalo na sa paglalakad at pagdarasal ng Santo Rosaryo.

“Hindi na po namin inopen yung penitential walk sa public kasi alam namin na kapag inopen yan sa public ay mas marami siguro ang sasama at kung marami ang sasama baka mapuna tayo na nag-expose the people to the danger of getting sick of COVID-19,” dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Bilang pag-iingat mula sa banta ng COVID-19 pandemic at pagsunod sa mga ipinatutupad na safety health protocol ay hinati rin sa dalawa ang retreat ng mga lingkod ng Simbahan ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kung saan ang iba ay nasa central part ng Bikaryato habang ang iba naman ay nasa southern part.

Matatandang una ng nagsagawa ng Penitential Service ang Archdiocese of Manila noong unang araw ng Hunyo at Diocese of Borongan noong ika-20 ng Hulyo ng kasalukuyang taon bilang patuloy na pagsusumamo at paghingi ng gabay sa Panginoon mula sa iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan partikular na mula sa COVID-19 pandemic.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,604 total reads

 12,604 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,797 total reads

 13,797 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,543 total reads

 28,543 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,920 total reads

 65,920 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,190 total reads

 97,190 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,596 total reads

 172,596 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,446 total reads

 265,446 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,742 total reads

 25,742 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top