500 bata, ginawaran ng sakramento ng binyag ni Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 806 total views

Pinangunahan ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagpapatuloy ng Diocesan Baptism of 500 Children sa diyosesis.

Ayon sa Obispo ang pagbibinyag ng 125 mga bata mua sa ikalawang bikaryato ng diyosesis gawain ay bahagi ng patuloy na pangkalahatang selebrasyon ng buong Pilipinas sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatang Kristiyano sa bansa.

Inihayag ni Bishop Bagaforo na ang pagtanggap sa sakramento ng binyag ay isang paalala sa malalim at mayabong na pananampalataya ng mga Filipino na nagsimula sa pagbibinyag na pinangunahan ni Haring Humabon at ng kanyang asawa na si Reyna Juana.

“Ang ating ginagawa ngayon ay bahagi ng pangkalahatang selebrasyon sa buong Pilipinas ng 500 years of Christianity, sapagkat kung natatandaan ninyo 500 years ago dumating sa Pilipinas ang ating pananampalataya. Una ay nagkaroon ng misa at pagkatapos ay ang pangkalahatang pagbibinyag na pinangunahan ni Haring Humabon at ng kanyang asawa na binigyan ng pangalan na Juana.” pagninilay ni Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi ng Obispo, bahagi ng pag-alala at pagdiriwang sa patuloy na biyaya ng pananampalatayang Kristiyano na tinanggap ng mga Pilipino 500-taon na ang nakakalipas ang hamon sa buong Simbahang Katolika na patuloy pang mapalalim at maibahagi ang Kristiyanismo at ang Salita ng Diyos sa mas nakararami.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ito ang isa sa mga pangunahing tungkulin ng mga binyagan na maipalaganap ang pananampalatayang tinanggap at ang kaharian ng Diyos sa sanlibutan.

“Dahil sa biyaya ng pananampalatayang ibinigay sa ating 500 years ago tayo ngayon ay nagdiriwang at nagpapasalamat kaya sa lahat ng mga Simbahan sa buong Pilipinas, mga diyosesis katulad natin dito sa Kidapawan, hinihikayat tayo na kung maari ay ating gawin ang nangyari noong 500 years ago.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Matatandaang una ng ibinahagi ng Obispo ang pagbibinyag ng diyosesis ng 500 mga bata bilang paggunita sa 500 Years of Christianity ng Pilipinas kung saan hinati sa tig-125 ang pagbibinyag sa mga kabataan mula sa apat na bikaryatong bumubuo sa Diyosesis ng Kidapawan na mayroong 18 mga parokya.

Sa datos naman ng Statistical Yearbook of the Church ng Vatican pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamaraming binibinyagan o katumbas sa humigit kumulang 1.6 milyong mga bata edad pitong taong gulang pababa noong 2019, bukod dito ikatlo rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming binyagang katoliko sa 89-milyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 55,849 total views

 55,849 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 99,457 total views

 99,457 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 182,730 total views

 182,730 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 195,677 total views

 195,677 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top