Bigyang halaga ang kalagayan ng mga bata, panawagan ng CBCP sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 563 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat bigyan ng kaukulang pansin ang mga kabataan upang maiwasan ang stress ngayong umiiral ang coronavirus pandemic.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, Chairman-elect ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education para sa mga magulang dahil karamihan sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng ‘stress from school’ dahil sa online classes sa gitna ng pandemya.

“Napakahalaga marahil na makausap talaga ng mga magulang ang kanilang mga anak kung ano ang kanilang nararamdaman sa panahong ito at kung ano ang kanilang mga palagay, ang iniisip,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na kaya maraming kabataan ang nakakaranas ng stress ngayong pandemya ay dahil masyado na itong nakatutok sa online classes at hindi na nila makahalubilo o makalaro ang mga kaibigan at kaklase, kumpara noong wala pang pandemya.

“One of the many ways for us to grow is to socialize, especially among friends. So, sa nakikita ko, talagang it makes stress dahil nananatili sila sa small space. And then there’s also they don’t see their friends… They can’t go anywhere or play the games they used to play, not only with one another among siblings, but with other young people,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Batay sa ulat ng National Center for Mental Health, simula taong 2020 ay patuloy na ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang tumatawag sa kanilang crisis hotline para sa mental health consultation na ang kadalasang dahilan ay ang stress na sanhi ng online classes.

Payo naman ni Bishop Mangalinao sa mga magulang na sikaping maglaan ng oras upang maiparamdam sa mga anak ang pagmamahal at pag-aalaga na higit na makatutulong upang maibsan ang nararanasang suliranin ngayong pandemya.

“Siguro ang solusyon ay dapat maging sensitibo ang mga magulang na sa ngayon ay busy’ng busy din sa pagtatrabaho… Mahalaga ‘yung trabaho para sa kanilang mga anak pero pag sinasabi nating nai-stress ang mga bata, siguro dapat nila itong bigyang pansin… Mahalaga rin dito ang time management sa mga bata,” saad ng Obispo.

Sa isinagawang Veritas Truth Survey noong Oktubre hanggang Nobyembre nang nakaraang taon, lumabas dito na negatibo ang epekto ng ‘online education’ sa mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo sa buong bansa.

Samantala, ayon naman sa Department of Education magsisimula ang panibagong school year sa Setyembre 13, 2021, ngunit hindi pa rin pinahihintulutan ang face-to-face classes, maliban na lamang kapag ipinag-utos na ng Malacañang.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,803 total reads

 1,803 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,368 total reads

 7,368 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,156 total reads

 45,156 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,426 total reads

 271,426 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 164,892 total reads

 164,892 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,558 total reads

 258,558 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,506 total reads

 150,506 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top