Mamamayan, inaanyayahan ng Diocese of Novaliches na makiisa sa Diocesan Online Telethon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 599 total reads

Inaanyayahan ng Diocese of Novaliches ang bawat isa na makibahagi sa nakatakdang online Diocesan Telethon ng diyosesis na may temang “Tinapay ko, Handog ko”.

Ayon kay Rev. Fr. Luciano Ariel Felloni, Director ng Social Communications and Media Ministry ng Diocese of Novaliches, layunin ng programa na makalikom ng pondo upang makatulong at makapagbigay ng ayuda sa mahihirap na mga parokya sa diyosesis ngayong panahon ng pandemya.

Pagbabahagi pa ng Pari, ang natakdang online Diocesan Telethon ay bahagi rin ng paggunita sa ikalawang anibersaryo ng pagiging punong pastol ni Novaliches Bishop Roberto Gaa sa Diyosesis.

“Sa August 21, bilang bisperas ng 2nd anniversary ng pagka-obispo ni Bishop Robbie (Roberto) Gaa, we are organizing our first time ever Diocesan Telethon from 7am to 7pm, we will be on Facebook Live Online all the time. Ang program na ito ay magkakaroon ng isang layunin na ito ay tumulong sa mga pinakamahirap na mga parishes sa Diocese of Novaliches ngayong panahon ng pandemya sa pagbibigay ng ayuda,” pahayag ni Rev. Fr. Felloni sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na target ng diyosesis na makalikom ng sapat na pondo sa online Diocesan Telethon upang makapagkaloob ng food assistance sa 1,000 hanggang 1,500 pamilya sa bawat parokya partikular na sa mga mahihirap na komunidad sa diyosesis.

Ayon kay Fr. Felloni, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang magsilbing kaagapay ng Social Action Commission ng diyosesis sa pagtugon sa mga pangangailangan lalo na ng mga mahihirap.

“Concretely we are trying to give atleast every parish 1,000 to 1,500 families yung help in the form of rice and food assistance, so yun po yung aming layunin to raise funds para tumulong po sa Social Action Commission ng diocese sa pagbibigay ng ayuda to the poorest parishes na minsan sila po ang pinaka-poor even in benefactors, pinakamahirap kumuha ng benefactors, ng tulong so we will make all the effort with them,” dagdag pa ni Fr. Felloni.

Nakatakda ang kauna-unahang online Diocesan Telethon ng Diocese of Novaliches sa ika-21 ng Agosto, 2021 mula alas-syete ng umaga hanggang alas-syete ng gabi kung saan inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook Livestreaming ng gawain.

Inaasahan naman ang pakikibahagi sa nakatakdang online Diocesan Telethon ng ilang mga personalidad ng Simbahang Katolika kabilang na ang TikTok Priest na si Fr. Fiel Pareja; Social Media Influencer of the Year 2021 Fr. Fidel Roura; Fr. Jerry Orbos, SVD; Fr. Franz Dizon; at Bro. Bo Sanchez; kung saan inaasahan rin ang isang virtual interview sa Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle na siyang Prefect of the Congregation of the Evangelization of Peoples.

Ayon kay Fr. Felloni, may iba’t ibang paraan upang makapagpaabot ng tulong at makiisa sa layunin ng online Diocesan Telethon ng diyosesis kabilang na ang pagpapadala ng in-cash donation sa iba’t ibang paraan o kaya naman ay mga in-kind donation sa mga parokya ng Diyosesis ng Novaliches.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,614 total reads

 12,614 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,805 total reads

 13,805 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,554 total reads

 28,554 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,931 total reads

 65,931 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,201 total reads

 97,201 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,605 total reads

 172,605 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,455 total reads

 265,455 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,744 total reads

 25,744 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top