UP-MCM, nagpahayag ng suporta sa vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

 239 total views

Nagpahayag ng suporta ang University of the Philippines – Manila College of Medicine – Department of Pharmacology and Toxicology para sa vaccination efforts ng pamahalaan upang mabigyang lunas ang umiiral na coronavirus pandemic sa bansa.

Ayon sa inilabas na pahayag ng nasabing departamento, sang-ayon ito sa ginagawang pagsisikap ng Department of Health at iba pang mga kawani sa kalusugan upang patuloy na matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa nakakahawang sakit.

Nakasaad din sa pahayag na tunay ngang nakakatulong ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 upang mabawasan ang panganib na maidudulot ng virus sa katawan ng tao.

“The faculty and staff of the Department of Pharmacology and Toxicology of the UP College of Medicine supports the evidence-based approaches to addressing the COVID-19 pandemic, including vaccination. Based on our evaluation of the evidence, the benefits of vaccination far outweigh the risks,” ayon sa pahayag ng departamento.

Hinihikayat naman nito ang publiko na magpabakuna ng COVID-19 vaccine para sa kaligtasan, gayundin ang pagkonsulta sa mga eksperto upang malinawan hinggil sa mga dapat na isaalang-alang sa pagbibigay lunas at pag-iwas sa epekto ng COVID-19.

Batay sa COVID-19 Tracker ng Reuters, umabot na sa mahigit 26 na milyon ang nakatanggap na ng bakuna o 12.1-porsyento sa kabuuang populasyon ang nabakunahan laban sa virus.

Patuloy naman ang panawagan ng simbahan sa mamamayan na magpabakuna laban sa virus upang tuluyang malunasan ang paglaganap ng virus sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 1,159 total views

 1,159 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 38,969 total views

 38,969 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 81,183 total views

 81,183 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 96,729 total views

 96,729 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 109,853 total views

 109,853 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 13,463 total views

 13,463 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top