Madreng nagsusulong ng restorative justice sa mga bilanggo, pumanaw na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,035 total views

Pumanaw na si Sr. Zeny Cabrera ng Sisters of the Holy Eucharist makaraang ang ilang araw na pananatili sa pagamutan.

Ayon sa kongregasyon, pumanaw ang madre kaninang 5:10 ng madaling araw sa Commonwealth Hospital.

Una na ring isinugod sa hospital si Sr. Cabrera noong Sabado ng umaga, makaraang atakihin sa puso na nakaapekto sa kaniyang utak at ilang araw na nasa comatose.

Kilala ang madre sa kanyang pagmimisyon na mangalaga sa mga person’s deprived of liberty o PDL at kasalukuyang coordinator ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry.

Layunin ng kanyang misyon ang mabigyang pagkakataon sa mga bilanggo na magbago, muling tanggapin sila sa kanilang pamilya at komunidad, at maging mga produktibong miyembro ng lipunan.

Una na ring inihayag ni Sister Cabrera na ang karisma ng kanilang kongregtasyon ay ihanda ang paghahanda ng hapag sa Panginoon para sa mga bilanggo na ayon sa kultura ng ‘Salu-salo,’ na isang tradisyong Pilipino ng pagsasama-sama sa hapag-kainan kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Itinuon ng madre ang higit sa 20 taon ng kaniyang paglilingkod sa pangagalaga sa mga bilanggo katuwang ang Archdiocese of Manila at Sisters of the Holy Eucharist na nakabase sa Diocese ng Novaliches.

Sa kasalukuyan ay wala pang detalyeng inilalabas ang kongregasyon kaugnay sa paglalagakan ng labi ng namayapang madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 15,870 total views

 15,870 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 90,484 total views

 90,484 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 170,563 total views

 170,563 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 213,702 total views

 213,702 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 213,830 total views

 213,830 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top