Maging liwanag sa mga naghihirap at inaalipin-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,418 total reads

Tularan ang pagiging bata ni Hesus sa kabila ng mga tukso at pagsubok sa buhay.

Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Niño na isinagawa sa Sto. Niño de Pandacan Parish, noong ika-18 ng Enero.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagmamanipula, pang-aalipin at panghahamak ng kapwa ay hindi pag-uugali ng Niñong si Hesus.

Aniya, kapag ito ang namayani at hindi natularan ang pagiging bata ng Panginoon ay hindi tayo mapapasama sa paghahari ng Diyos.

“Kapag merong manipulasyon ng kapwa, ibig sabihin may nagpapanggap, ako ang mas mataas… kapag may pang-aalipin, mag nagpapanggap na amo, ikaw ay mababang uri. ‘Yang ugali [na yan] hindi pag-uugali ng bata sa paghahari ng Diyos kaya ang dulot n’yan, kadiliman.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag ng Kardinal na sa pagsilang pa lamang ni Hesus sa sanlibutan, at ang ugaling dapat tularan sa Santo Niño ay nagdudulot ng liwanag para sa mga naghihirap at mga inaalipin.

Ngayong linggo, ika-19 ng Enero sa ordinaryong panahon ng simbahan ipinagdiriwang ang kapistahan ng Santo Niño.

Aminado si Cardinal Tagle na mahirap magdiwang ng kapistahan gayung nalalaman ng bawat isa ang paghihirap ng mga kababayang apektado ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas.

Sinabi nito na napakahirap maging bata sa sitwasyon ng mga nasa evacuation centers kaya naman hinimok niya ang mananampalataya na manalangin para sa mga biktima ng pagputok ng bulkan.

Naniniwala si Cardinal Tagle na ang karanasan ng mga mamamayang lumikas ang s’yang magtuturo at magpapalalm sa pangunawa ng mamamayan kung paano matutularan ang batang si Hesus na umaasa sa Ama.

“Napakahirap maging bata sa sitwasyon ng mga naaapektuhan ng Taal, kaya sa ating pagdiriwang, ipanalangin natin sila at sa mga kwento nila, sila pa ang magtuturo sa atin paano tumulad kay Hesus, maging bata at umaasa sa Ama.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Simula kahapon, ika-18 hanggang ngayong araw, ika-19 ng Enero ay nagsasagawa ng Second Collection sa lahat ng mga Misa ang buong Archdiocese of Manila, upang makapaghatid ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 35,662 total reads

 35,662 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 116,037 total reads

 116,037 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 149,485 total reads

 149,485 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 184,784 total reads

 184,784 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 409,963 total reads

 409,963 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,367 total reads

 37,367 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,257 total reads

 30,257 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top