Magkawanggawa sa All Souls’ at All Saints’ sa halip na costume party

SHARE THE TRUTH

 261 total views

Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mga Pilipino na gumawa ng kawanggawa sa kapwa sa halip na gumastos sa pagsasagawa ng mga costume party.

Ipinaalala ni incoming Archdiocese of Ozamiz, Bishop Martin Jumoad na hindi makatutulong sa paglago ng pananampalataya ang mga halloween parties.

Iminungkahi ni Bishop Jumoad na sa mga mananampalataya na tulungan ang mga biktima ng bagyo at ipadama sa kanila ang habag at awa ng Panginoon sa halip na magsagawa ng “trick or threat”.

“Why use things that are not essential in our faith? Sana po nahihirapan tayo ngayon, bakit mag – halloween, halloween pa. Hindi naman yun essential sa ating pananampalataya. Why you plan to use halloween costumes, why not to share because we are now on the Year of Mercy. Look for a place that are really suffering like in Northern Luzon there are so many people who are suffering because of the typhoon Lawin and Karen. Cancel your halloween parties and divert your money in helping the poor, those who are affected by the typhoon Lawin and Karen in Batanes and in Norther Luzon,” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.

Sang-ayon si Diocese of Laoag Bishop Renato Mayugba na isang napakagandang – alternatibo na ilaan na lamang ang salapi sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo lalo na sa kanilang diyosesis sa halip na igugol ito sa mga halloween costumes at party na maituturing aniyang hindi maka – Kristiyanong gawain kundi isang pagan practice.

Hinikayat ni Bishop Mayugba ang mga Pilipino na gawing banal ang All Saints’ at All Souls’ day bilang pagpupuri sa mga Santo at yumaong mahal sa buhay.

“Napaganda yang alternative lalo na ang halloween party is a pagan practice and actually unchristian. Huwag na lang gumawa ng halloween party dahil ang ating kinikilala ay All Saints and All Souls Day. Ang ating pagdiriwang ay ang pagpapahalaga sa mga santo at santa kabilang na diyan ang ating mga kapamilya, magulang at kaibigan na yumao na. Mas mahalaga yun kaysa halloween party,” paalala ni Bishop Mayugba sa mga mananampalataya.

Nabatid na sa isang bansa na may tradisyunal na pagbisita sa mga sementeryo o libangan ng mga yumao tuwing Nobyembre 1 at 2 naitala ng Asia News na sa Manila pa lamang ay 500 libo na ang mga mananampalatayang tumutungo sa lalo na sa Manila North and South Cemetery.

Patuloy naman ang paalala ng CBCP sa mahigit 100 milyong Pilipino na mahalagang mag – alay ng misa at panalangin para sa yumao nating mahal sa buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,204 total views

 80,204 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,208 total views

 91,208 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 99,013 total views

 99,013 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,252 total views

 112,252 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,755 total views

 123,755 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 111,292 total views

 111,292 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top