PNP,AFP,BFP, naka-full alert status ngayong Undas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total views

Magkatuwang na pangungunahan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine ang pagtiyak sa kaayusan at seguridad ng mga mamamayan ngayong Undas.

Ito ang inihayag ni PNP-NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, kaugnay sa pagsisimula ng Oplan Kaluluwa 2016 ngayong araw. Ayon kay Albayalde, nananatili ang Full Alert Status at pagtutulungan ng PNP at AFP alinsunod na rin sa idineklara ni Pangulong Duterte na State Of National Emergency on the account of lawless violence matapos ang naganap na pagpapasabog sa Roxas Night Market sa Davao City na ikinasawi ng may 14 na indibidwal.

Ngayong araw ang deployment at pagtatalaga sa mahigit 7-libong mga pulis sa buong Metro Manila upang matiyak ang kaayusan at seguridad ng publiko partikular sa mga uuwi ng kani-kanilang mga probinsya at magtutungo sa halos 99 na mga sementeryo sa buong Metro Manila.

Bukod dito, inaasahan rin ang pagtatalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng nasa 3-libong – tauhan bukod pa sa puwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP), Local Government Units at ilan pang mga volunteers.

Kaugnay nito, umaasa naman ang Simbahang Katolika na isasabuhay ng bawat mamamayan ang layunin ng Undas na paggunita sa mga namayapa sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang mga himlayan at pag-aalay ng panalangin maging para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa sa purgatoryo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 12,633 total views

 12,633 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 137,044 total views

 137,044 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 180,396 total views

 180,396 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 260,917 total views

 260,917 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top