Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Aktibong partisipasyon ng mga kababaihan, isusulong ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Isusulong ng Commission on Elections (COMELEC) ang mas aktibong partisipasyon ng mga kababaihan sa nakatakdang halalang pambarangay sa susunod na taon.

Ayon kay COMELEC Commissioner Ma. Rowena Amelia V. Guanzon – Chairman ng Gender and Development Executive Committee ng COMELEC mahalaga ang partisipasyon ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan at tanggapan dahil sa mas mabibigyang ng pantay na pagtingin ang mga usapin ng mga kababaihan at kabataan.

Sinimulan ng COMELEC Gender and Development Focal Point System Committee ang naturang kampanya noong nakalipas na taong 2015 sa pamamagitan ng pagtuturo at paggabay sa mga babaeng kandidato sa iba’t ibang posisyon noong nagdaang halalan kaugnay sa iba’t ibang dokumento kakailanganin ng kumisyon.

Batay sa datos ng COMELEC, tinatayang nasa 20-porsyento lamang ang mga tumakbo o kumandidatong mga kababaihan noong nakalipas na halalan kung saan sa kabila ng halos magkapantay na porsyento sa bilang ng mga botanteng lalake at babae ay nananatiling nasa 80-porsyento sa mga halal na opisyal ng pamahalaan ang mga lalake samantalang tanging 20-porsyento lamang ang mga babaeng opisyal.

Kaugnay nga nito, una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco ng pantay na pagtingin, paggalang at pagbibigay opurtunidad at pagpapahalaga sa mga kababaihan at binigyang diin ang pantay na estado ng lahat ng binigyang buhay ng Panginoon sa kabila ng pagkakaiba ng kasarian ng mga ito.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,288 total views

 29,288 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,005 total views

 41,005 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,838 total views

 61,838 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,260 total views

 78,260 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,494 total views

 87,494 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 12,572 total views

 12,572 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »
Politics
Reyn Letran - Ibañez

Kalayaan, kaakibat ng responsibilidad

 6,479 total views

 6,479 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang responsibilidad na kaakibat ng tinatamasang kalayaan at demokrasya ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top