Magnanakaw ng dignidad ang traffic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 139,439 total reads

Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na.

Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan, lalo na sa Metro Manila, sa laki ng pagkalugi dahil sa araw-araw na pagsikip sa ating mga lansangan, bakit walang agaran at kongkretong tugon ang pamahalaan ukol dito?

May pag-aaral nga na nagpapakita na sa buong mundo, pinakamabagal ang Metro Manila pagdating sa traffic. Ayon sa TomTom Traffic Index, ang Metro Manila ang may slowest travel time sa 387 cities ng 55 na bansa. Ang masaklap dito, pang regular na araw laman iyan. Kapag mga holidays gaya ng Christmas, mas traffic pa. Kapag umulan pa, malabo ka na makauwi ng maaga. Umaga na ng susunod na araw.

Kapanalig, hindi lamang simpleng isyu ang traffic sa Metro Manila. Hindi lamang ito usapin ukol sa gaano katagal ang oras na binababad natin sa lansangan. Ang traffic, kapanalig, ay magnanakaw.

Ninanakaw nito ang oras natin para sa ating mga pamilya. Kapanalig, mahigit pa sa walong oras kada araw kadalasan ang ginugugol natin sa ating trabaho. Mahabang oras na ito. Idagdag pa natin ang commuting time, na umaabot na sa apat na oras kada araw para sa maraming Pilipino sa syudad.

Ninanakaw din ng traffic ang mga oportunidad na makakatulong sana sa atin  na makatakas sa kahirapan. Parang preso ang traffic at commuting, kapanalig. Nakakulong tayo sa hirap ng pagbiyahe sa syudad, kaya’t pag nakasakay na tayo, kahit di maka-upo, grabe na ang pasasalamat natin. At sa haba ng ating travel time, wala na tayong oras para sa upskilling, para mag-aral pa, para makahanap pa ng mas magandang trabaho.

Kapanalig, hindi lamang pera ang nawawala sa tao dahil sa traffic at hirap sa pagko-commute sa ating mga syudad. Buhay na natin ang nawawala. Ang nakakalungkot, ang lakas na ng hinagpis ng mga tao, pero tila walang nakakarinig. Sabi sa Evangelium Vitae, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, our life belongs to God. Hindi na natin nakikita ito dahil sa traffic sa ating syudad. Parang araw araw na parusa na, hindi biyaya.

Kaya’t ginigiit pa ng Evangelium Vitae ang respeto sa buhay. Sana’y dinggin natin ang pag-gabay nito:  A society lacks solid foundations when, on the one hand, it asserts values such as the dignity of the person, justice and peace, but then, on the other hand, radically acts to the contrary by allowing or tolerating a variety of ways in which human life is devalued and violated, especially where it is weak or marginalized. Ang traffic sa ating mga syudad kapanalig ay sumisira sa dignidad ng tao. Huwag nating hayaang mas lumala pa ang sitwasyon na ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 57,270 total reads

 57,270 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 79,723 total reads

 79,723 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 160,378 total reads

 160,378 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 262,107 total reads

 262,107 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 296,928 total reads

 296,928 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dagat ng basura

 57,271 total reads

 57,271 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 79,724 total reads

 79,724 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 160,379 total reads

 160,379 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 262,108 total reads

 262,108 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »
Scroll to Top