227 total views
Kapanalig, kung tunay nating nais na mawaksi ang kahirapan sa ating bayan, kailangan tulungan natin ang mga magsasaka at mangingisda ng bayan. Ang mga grupong ito ang lagi na lamang pinakamahirap sa ating lipunan. Noong nakaraang taon, nasa 31.6% ang poverty incidence sa mga magsasaka, habang 26.2% naman sa mga mangingisda.
Mas marami silang hamong kinakaharap ngayon sa ating bayan. Unang-una, climate change. Ang patuloy na pag-init ng mundo ay nagdadala ng mas malalakas na bagyo at mas mainit na tagtuyot na sumisira sa mga taniman at humahadlang sa pangingisda.
Ang malawakang land conversion ay nakaka-apekto rin sa kabuhayan ng mga magsasaka. Paliit ng paliit ang lupang kanilang masasaka. Simula 1988 hanggang 2016, tinatayang 97,500 hectares ng farmlands sa bansa ay hindi na nagliliyad ng basic food supplies. Marami sa kanila, naging subdibisyon na.
Maraming mga mangingisda din ngayon ay wala na ring mapagkunan ng isda- gaya ng ating mga mangingisda mula sa Zambales. Lagi na lamang silang pinag-babawalan ng mga Tsino na mangisda sa kanilang mga tradisyunal na fishing grounds.
Ang sitwasyon ng ating mga magsasaka at mangingisda ay kailangang bigyan ng komprehensibong tugon. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang katiyakan sa pagkain ng bansa. Hindi nararapat na naiiwan silang mag-isa sa paghahanap ng paraan upang maitaas ang kanilang produksyon. Kailangan nila ng suporta upang maharap nila ng buong lakas ng loob ang mga hamon sa kanilang mga sektor. Sa ngayon, sila ay wala na ngang disenteng kita, wala pang kapangyarihan o boses sa lipunan.
Kailangan ng transpormasyon sa kanilang mga sektor upang hindi sila maipit lagi sa laylayan ng lipunan. Hindi tunay na kaunlaran ang matatamo ng kahit anong bayan kung ang mga magsasaka at mangingisda ay laging maiiwan. Ayon nga sa Laudato Si, “Our world has a grave social debt towards the poor.” Obligasyon nating tiyaking lahat, lalo na ang mga maralitang magsasaka at mangingisda, ay may pagkakataong maka-ahon sa dusa.
Sumainyo