VeritasPH

The Word, The Truth

Magsaya kayo at magalak!

SHARE THE TRUTH

 135 total views

“Magsaya kayo at magalak!”

Mga Kapanalig, ito ang pamagat ng pastoral exhortation na inilabas ng ating mga obispo pagkatapos ng kanilang ika-117 na plenary assembly na ginanap ilang linggo na ang nakalipas. Hango ito sa Mateo 5:12, kung saan hinihikayat ng Diyos ang sinumang inuusig dahil sa Kanya na magsaya at magalak. Kung pagninilayan natin ang pinagdaanan ng ating Simbahan ngayon, parang napakahirap na magsaya at magalak, ngunit nananalig ang ating mga obispong ito ang tamang disposisyon para sa mga Katolikong Pilipino ngayon.

Sa unang bahagi, hinihimok tayong mga mananampalatayang isabuhay ang ating bokasyon at misyong maging mga instrumento ng kapayapaan, sa kabila ng pangingibabaw ng karahasan, ng kultura ng pagpatay, at ng mga pang-iinsulto. Hindi ito madali, bagamat sabi ng ating mga obispo, hindi na bago ang paghamak at pagtuligsa sa ating pananampalataya. Matatagpuan sa Unang Sulat ni Pablo sa mga Taga-Corinto ang angkop na pagtugon sa mga ito: “Inaalipusta kami at nagsasalita naman kami nang maayos; inuusig kami at kami nama’y nagtitiis. Kapag sinisiraan, kami’y nakikipag-ayós.”

Dagdag pa ng pastoral exhortation, ano ba naman ang mga pang-uusig na ito kumpara sa pagdurusa ng mga dukha sa ating bayan? Silang mga hinuhuli dahil sa pagtambay; silang mga hindi raw tao dahil adik; silang mga naging balo at ulila dahil sa karahasan; silang mga presong nagsisiksikan sa mga bilangguan; silang mga katutubong itinataboy sa kanilang mga tinubuang lupa dahil sa mga minahan; silang mga pamilyang naiipit sa giyera; at silang mga sundalong nagbubuwis ng buhay dahil isinasanatabi natin ang mapayapang pag-aayos ng mga alitan.

Mga Kapanalig, patuloy na papanig ang Simbahan sa mga naghihirap nating kapatid, hindi bilang bahagi ng anumang destabilization plot o paglabag sa separation of church and state, kundi para sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos dito sa lupa. Binigyang-diin din ng mga obispong kaisa ng pamahalaan ang Simbahan sa pagtataguyod ng kabutihan ng lahat. Sa mga pagkakataong kritikal ang Simbahan sa pamahalaan, tandaan sana nating lagi itong nagmumula sa lente ng pananampalatayang nagsusulong ng moralidad at naninindigan para sa katarungang panlipunan.
Sa pagtatapos ng liham, mapagkumbabang inamin ng ating mga obispong tayo ay Simbahan ng mga makasalanang patuloy na tinatawag tungo sa kabanalan. Inaako natin ang ating mga kahinaan at ang pananagutang ituwid ang mga ito. Hindi perpektong institusyon ang Simbahan, ngunit hindi ito dahilan upang talikuran nito ang kanyang mga tungkulin sa harap ng pang-uusig.

Mga Kapanalig, ang patuloy na paninidigan ng Simbahan para sa buhay at dignidad ng tao, at ang pagwawaksi sa kasalanan ay bahagi ng mga tungkulin nitong nakalatag sa mga panlipunang turo nito. Una ay ang tungkuling ipalaganap ang pagtanaw sa tao at sa kanyang kapakanan nang buo at may paggalang sa kanyang dignidad. Ginagawa natin ito sa pagtulong sa mga lulóng sa ipinagbabawal na gamot, sapagkat nakikita natin silang mga may karamdaman; sa mga namatayan sa giyera kontra droga sapagkat biktima sila ng karahasan; at sa mga katutubong itinuturing na bahagi ng kanilang katauhan ang lupa. Ang ikalawang tungkulin ay ang punahin at tuligsain ang pag-iral ng kasalanan sa lipunan, kaya’t hindi kailanman mangingimi ang Simbahang maninidigan para sa mga hindi kinikilala at patuloy na nilalabag ang kanilang mga karapatan—the last, the least, and the lost.

Mga Kapanalig, bilang mga bumubuo sa Simbahan, tayong lahat—ang mga obispo, pari, madre, at mga layko—ay magkakabalikat sa pagganap ng mga tungkulin ng Simbahan. Tungkulin nating ipahayag ang Mabuting Balita at iwaksi ang mga kasalanan, ngunit gawin natin ang mga ito nang may kagalakan. Sabi nga sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo: “Pinagpala kayo kapag dahil sa akin, kayo’y inaalipusta, inaapi at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magsaya kayo at magalak!”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,719 total views

 6,719 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,705 total views

 22,705 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,750 total views

 30,750 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,830 total views

 35,830 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,536 total views

 41,536 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 6,720 total views

 6,720 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 22,706 total views

 22,706 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 30,751 total views

 30,751 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 35,831 total views

 35,831 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,537 total views

 41,537 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,543 total views

 44,543 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,468 total views

 41,468 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,782 total views

 55,782 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,472 total views

 59,472 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,075 total views

 58,075 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,062 total views

 68,062 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,030 total views

 72,030 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,917 total views

 82,917 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,356 total views

 95,356 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 106,114 total views

 106,114 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top