Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mahihirap, hindi pa ramdam ang anti-poverty campaign ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

 205 total views

Hindi pa ramdam ng mahihirap ang pagbabagong ipinangako ng administrasyong Duterte sa unang 100 araw ng pamamahala nito sa bansa.

Ayon kay Gloria Arellano , national chairperson ng grupong Kadamay, ito’y dahil sa wala pa sa unang programa ng gobyerno ang paglaban sa kahirapan lalo na at nakasentro ito ngayon sa paglaban sa iligal na droga.

Dagdag ni Arellano, sa kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ang demolisyon kung saan nasa 4,000 mga bahay ang giniba simula ng June 30, 2016 at maging ang pag-aalis ng kontraktuwalisasyon ay hindi pa rin nila nararamdaman bagamat may mga pahayag na ang pamahalaan na unti-unti itong tatapusin.

Gayunman, umaasa ang grupong Kadamay na nawa maramdaman na nila ang pangako ng Pangulong Duterte sa mahihirap sa susunod na taon.

“Sa 100 days ni Duterte sa poverty hindi pa po magbabago kasi wala sa unang programa niya yun, yung dating kahirapan andiyan pa rin bagamat may mga programa na siyang sinasabi at maging ang mga cabinet members, hindi pa nasisimulan yang sa kahirapan, ang inuna niya ang ‘Oplan Tokhang, pero sa kahirapan mula noong June 30 nagpapatuoy pa rin halimbawa ang demolisyon, nasa 4,000 na ang na demolished , at yung pangako niya na trabaho o pag-alis ng contractualization, di pa nararamdaman bagamat sinisimulan ng pag-usapan,” ayon kay Arellano sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 10.5 milyong pamilyang Filipino o 46% ang nagsabing sila ay mahirap sa unang quarter ng 2016, mas mababa sa 11.2 milyong pamilyang Filipino o 50% noong 2015 sa kaparehong panahon.

Una ng ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagkalinga sa mahihirap sa pamamagitan na rin ng awa na may kaakibat na gawa gaya ng pagbabahagi sa kanila ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at huwag silang balewalain ng estado.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,634 total views

 6,634 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,618 total views

 24,618 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,555 total views

 44,555 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,744 total views

 61,744 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,119 total views

 75,119 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,663 total views

 16,663 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,840 total views

 71,840 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 97,655 total views

 97,655 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,963 total views

 135,963 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top