Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 951 total views

Ang Mabuting Balita, 28 Oktubre 2023 – Lucas 6: 12-19
MAKIPAG-UGNAYAN
Noong mga araw na iyon, umahon si Jesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.
————
Hindi kataka-taka na umakyat si Jesus sa burol upang magdamag na manalangin sa Diyos sapagkat sa kinabukasan, pipiliin niya ang labing-dalawang apostoles, labing-isa sa kanila ang magiging tagapanguna ng kanyang gawaing pagliligtas pagkatapos niyang makabalik sa Ama. Kinailangan din niyang ipagdasal sila, upang maisaloob at maisabuhay nila ang kanyang mga ituturo, at sa kalaunan, magtiyaga at manatiling matatag sa gitna ng pag-uusig, tulad ng nangyari kay San Simon at Judas, kung kaninong kapistahan ating ipinagdiriwang sa araw na ito.
Napakahalaga ng Panalangin kapag tayo ay gagawa ng mga mahahalagang desisyon sa buhay, sapagkat kailangan nating MAKIPAG-UGNAYAN sa ating Diyos na nakakaalam ng lahat, na magbibigay sa atin ng mga biyayang kailangan natin upang gawin ang tamang desisyon, maging matatag sa nagawang desisyon, at maging magtiyaga sa gitna ng kahirapan.
Panginoong Diyos, nawa’y gawin naming kaugalian ang makipag-ugnayan sa iyo araw-araw!

Samar Bishops, nanindigan laban sa mining operation sa Eastern Samar

 2,344 total views

Nagkaisa ang tatlong obispo ng Samar Island sa pagsuporta sa panawagan ng Diocese of Borongan na tutulan ang mga aktibidad ng pagmimina sa Eastern Samar sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga resolusyon ng mga lokal na pamahalaan.

Sa inilabas na Letter of Endorsement, buong pusong inendorso ng Samar Island Partnership for Peace and Development (SIPPAD) ang pastoral position statement ng Diocese of Borongan na nananawagan sa mga Municipal at Barangay Council ng Giporlos at Balangiga na tutulan ang pagmimina sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon sa SIPPAD, ilang dekada nang nasasaksihan ng mga mamamayan ng Samar ang pangmatagalang epekto ng pagmimina sa kalikasan, kabuhayan, at mga pamayanan.

“The experiences of Homonhon, Manicani, and other areas where mining has been undertaken or proposed remind us that decisions regarding our natural resources have lasting consequences for ecological integrity, food security, and the well-being of present and future generations,” ayon sa SIPPAD.

Binigyang-diin ng grupo na patuloy na dumarami ang mga exploration permit at interes sa pagmimina sa mainland Samar kaya kinakailangan ang mapanuring pakikilahok ng publiko at responsableng pamumuno ng mga lokal na opisyal.

Iginiit din ng SIPPAD na ang tunay na kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa kita kundi sa pangangalaga sa tao, kalikasan at katarungan.

“Development should never come at the expense of human dignity or the integrity of creation. True progress is measured not only by economic gains but also by the protection of communities, ecological sustainability, and peace founded on justice,” saad ng grupo.

Dahil dito, hinikayat ng SIPPAD ang mga municipal at barangay council sa buong Samar Island na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang magpatibay ng mga patakarang mangangalaga sa kapaligiran at kapakanan ng mga mamamayan.

Nanawagan din ang grupo sa lahat ng sektor na magsulong ng isang uri ng kaunlarang magtitiyak ng malilinis na ilog, protektadong kagubatan, masaganang pangisdaan, produktibong sakahan, at ligtas na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Ang liham ng pag-endorso ay nilagdaan nina Calbayog Bishop Isabelo Abarquez, Borongan Bishop Crispin Varquez, at Catarman Bishop Nolly Buco bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng Simbahan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at kabutihang panlahat.

PCNE 2026 delegates, hinimok na palalamin ang pakikipagkaibigan kay Hesus

 2,557 total views

Nanawagan ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang mas malalim na pakikipagkaibigan kay Hesus bilang pundasyon ng sama-samang misyon ng Simbahan.

Ayon kay Bishop Presto – Chairman ng CBCP Commission on Evangelization and Catechesis, isinasabuhay ng tema ng PCNE ngayong taon na “SANGKÁY” o kaibigan ang paanyaya sa bawat mananampalataya na muling tuklasin ang tunay na pakikipagkaibigan kay Kristo bilang pinagmumulan ng makabuluhang ugnayan at pagkakaisa ng isang sinodal na Simbahan.

Dahil sa pamamagitan ng pakikinig, pag-akay, paghihikayat, at sama-samang paglalakbay sa pananampalataya nahuhubog ang mga disipulong handang tumugon sa misyon ng Simbahan.

“As we journey toward Evangelization 2033, the Great Jubilee of Redemption, may our gathering challenge each of us – bishops, priests, consecrated, lay leaders, and youth – as one Church to develop ourselves to be missionary disciples and move beyond maintaining our faith and friendship with Jesus to intentionally sharing it especially to those in the peripheries. We know that the Church needs missionary disciples who are willing to accompany others, proclaim the Gospel with joy, and form new friendships that lead people to a life-changing encounter with Jesus Christ,” ayon sa mensahe ni Bishop Presto para sa PCNE.

Hinamon din ng Obispo ang mga obispo, pari, mga konsekrado, layko, at kabataan na higit pang isabuhay ang kanilang bokasyon bilang mga misyonerong disipulo sa paglalakbay ng Simbahan patungo sa Evangelization 2033 at sa pagdiriwang ng Great Jubilee of Redemption.

Giit ni Bishop Presto, hindi sapat na mapanatili lamang ang pananampalataya, kundi kinakailangang ibahagi ito lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan upang maakay ang mas maraming tao sa personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo.

” May PCNE XII continue to inspire us not only to deepen our friendship with Christ but also to become true friends in the mission—building communities of hope, making disciples, and bringing the love of Christ to every person, every family, and every corner of our nation,Together, let us be friends of Jesus, friends on mission, and joyful evangelizers preparing the way for Evangelization 2033,” ” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Presto.

Umaasa si Bishop Presto na magsisilbing inspirasyon ang PCNE 2026 upang higit pang mapalalim ang pakikipagkaibigan kay Kristo at mahubog ang mga mananampalatayang magiging tunay na magkakaibigan sa misyon sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga pamayanang puno ng pag-asa, paghuhubog ng mga disipulo, at pagpapalaganap ng pag-ibig ni Kristo sa bawat tao, pamilya, at pamayanan bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Evangelization 2033.

Nasaan ang pangakong maginhawang buhay, katanungan ng inter-religious groups kay PBBM

 25,589 total views

Nanawagan ang mga lider ng iba’t ibang pananampalataya sa pamahalaan na tugunan ang patuloy na kahirapan, korapsyon, at kawalan ng pananagutan habang naghahanda ang bansa sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Sa nagkakaisang pahayag para sa SONA ng Sambayanan 2026, sinabi ng Inter-religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM) na dapat suriin ang kalagayan ng bansa batay sa tunay na karanasan ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap na patuloy na humaharap sa mataas na presyo ng bilihin at kakulangan sa oportunidad.

Binigyang-diin ng grupo na bagama’t idineklara ang Pilipinas bilang upper middle income country, nananatili pa rin ang malaking bilang ng mga pamilyang nagsasabing sila ay mahirap.

Marami ring manggagawa ang nakararanas ng mababang sahod, kawalan ng seguridad sa trabaho, at paglabag sa karapatan sa paggawa.

“Nasaan na ang pangakong maginhawang buhay, ang Bagong Pilipinas para sa bawat Pilipino? Upper middle income country na raw tayo, pero sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, 52% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila’y mahirap,” pahayag ng grupo.

Ayon sa religious leaders na pinangungunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng IRLCNT, at Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, nananatiling malaking hamon ang kalagayan ng mga magsasaka, lumalaking utang ng bansa, at kakulangan sa batayang serbisyo.

Iginiit din ng grupo na kailangang tugunan ang patuloy na banta sa mga pamayanan at kalikasan dulot ng ilang malalaking proyekto, lalo na ang mga nakaaapekto sa mga pamayanan at mga lupaing ninuno.

“Higit sa pagpapalit ng tao, kailangan ang makabuluhang pagbabago sa sistemang panlipunan. Kabilang sa aming panawagan ay ang nakabubuhay na sahod at sapat na kita, mababang buwis at presyo ng mga bilihin, de-kalidad na edukasyon, libreng serbisyong pangkalusugan, at murang pabahay,” ayon sa pahayag.

Nanawagan din ang IRLCNT at White Ribbon Movement na papanagutin ang lahat ng sangkot sa mga alegasyon ng korapsyon, kabilang ang kontrobersiya sa flood control projects.

Iginiit ng grupo na dapat mabawi ang mga pondong nawala sa kaban ng bayan at ilaan sa mga serbisyong kailangan ng mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, pabahay, at proteksyong panlipunan.

“Kasuhan at parusahan ang lahat ng korap at abusado sa gobyerno. Bawiin ang nakaw na yaman at unahin sa pambansang badyet ang kapakanan ng mamamayan,” dagdag ng grupo.

Bilang paghahanda sa SONA ng Sambayanan 2026, hinimok ng mga lider ng iba’t ibang pananampalataya ang publiko na makiisa sa panawagan para sa mas malalim na repormang panlipunan, kabilang ang pagpapatibay ng Anti-Dynasty Law, pagbabago sa sistema ng halalan, at pagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng mamamayan higit sa interes ng iilang makapangyarihang grupo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 45,059 total views

 45,059 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 73,350 total views

 73,350 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 119,281 total views

 119,281 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 152,364 total views

 152,364 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 177,754 total views

 177,754 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RECOGNIZE and EXPERIENCE

 9,535 total views

 9,535 total views Gospel Reading for July 20, 2026 – Matthew 12: 38-42 RECOGNIZE and EXPERIENCE Some of the scribes and Pharisees said to Jesus, “Teacher,

Read More »

CHOOSE GOD

 10,679 total views

 10,679 total views Gospel Reading for July 19, 2026 – Matthew 13: 24-30 CHOOSE GOD Jesus proposed another parable to the crowds, saying: “The kingdom of

Read More »

RECOGNIZE

 7,960 total views

 7,960 total views Gospel Reading for July 18, 2026 – Matthew 12: 14-21 RECOGNIZE The Pharisees went out and took counsel against Jesus to put him

Read More »

VERY PRECIOUS GIFT

 8,208 total views

 8,208 total views Gospel Reading for July 17, 2026 – Matthew 12: 1-8 VERY PRECIOUS GIFT Jesus was going through a field of grain on the

Read More »
Scroll to Top