Panawagang payagang makapasok sa Pilipinas ang ICC, pinuri ng FFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,897 total reads

Pinuri ng Federation of Free Workers ang panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pamahalaan na payagang makapasok sa Pilipinas ang International Criminal Court (ICC) upang imbestigahan ang patayang naganap sa War on Drugs ng administrasyon ng dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty.Sonny Matula – Pangulo ng FFW, ito ay upang mabigyang katarungan ang mga nasawi sa kampanya at mapatunayan ng dating pangulo na inosente ito sa malawakang Extra Judicial Killings (EJK).

“Pacta sunt servanda” (treaties must be observed in good faith) and as a good member of the family of nations, we humbly urge the government to rejoin the ICC. Hindi dapat mag-alangan o maduwag ang gobyerno at baliwalain ang ating mga internasyonal na pangako sa Rome Statute. Hindi lang ito, may UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) pa tayong gustong ipatupad laban sa Tsina sa West Phil Sea.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.

Positibo si Matula na maibibigay ang katarungan sa naiwang pamilya ng mga nasawi War on Drugs at makatanggap ng compensation.
Iginiit ni Matula na si Archbishop Villegas ay isang “respected voice and compassion.

“Archbishop Socrates Villegas, a respected voice of reason and compassion, made a significant statement this week, emphasizing the importance of allowing ICC investigators to enter the Philippines. He passionately urged for a thorough probe into allegations of human rights abuses associated with the government’s campaign against illegal drugs” ayon pa sa mensahe ni Matula.

Kaugnay sa suliranin ng EJK, muling kinundena ng Church – People Workers Solidarity ang patuloy na pagpaslang sa mga lider manggagawa, human rights advocates at environmentalist na tanging ipinaglalalaban ang katarungan panlipunan.

Sa datos ng FFW at mga labor group sa bansa, si Jude Thaddeus Fernandez ng Kilusang Mayo Uno CALABARZON ang ika-72 biktima ng pagpaslang sa mga labor leader at member simula ng maupo bilang punong ehekutibo si dating pangulong Duterte.

Ayon sa Commission on Human Rights, sa kanilang datos aabot sa 30-libo ang mga mamamayan na naging biktima ng War on Drugs higit na mas mataas kumpara sa datos ng pamahalaan na aabot lamang sa mahigit limang libo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 6,367 total reads

 6,367 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 226,985 total reads

 226,985 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 261,658 total reads

 261,658 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 277,558 total reads

 277,558 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 313,587 total reads

 313,587 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top