Malacanang, naglabas ng alituntunin sa pagpapatupad ng state of national emergency

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 667 total reads

Nagpalabas ng alituntunin ang Malacanang na magsisilbing gabay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng proklamasyon ng state of national emergency sa bansa.

Sa bisa ng kautusan ni Pangulong Duterte at ng Memorandum Order (MO) No. 3 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador C. Medialdea, inilatag nito ang mga alituntuning dapat sundin ng mga otoridad upang matiyak ang kaligtasan ng bansa ng walang nalalabag na karapatang pantao ng mga mamamayan.

Nasasaad sa Section-1 ng naturang alituntunin ang pagtutulungan at koordinasyon ng Department of National Defense (DND) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang atasan ang mga sundalo at mga pulis na magpatrolya sa mga pampubliko at pangunahing lugar, pantalan, terminal at paliparan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan.

“Section 1 of the guidelines stated: ‘The Department of National Defense (DND) and the Department of Interior and Local Government (DILG) shall deploy AFP and PNP personnel on major streets and thoroughfares, as well as near crowded places such as malls and train stations,in order to increase troop and military visibility for deterrence and quick-response purposes, without causing undue alarm to the general public,”paglilinaw ng Presidential Communications Office.

Tiniyak naman ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary for Legal Affairs Marie Rafael Banaag na walang tinatanggal na karapatan ng mga mamamayan ang proklamasyon at ipinapabatid lamang sa lahat ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa gitna ng banta ng terorismo matapos ang pambobomba sa Roxas night market Davao City kung saan 14 ang namatay habang higit 60 naman ang sugatan.

“The proclamation was not meant to undermine the bill of rights, it was issued in order to delimit what the AFP and PNP can do. We put a premium on civil rights..”pahayag ni Banaag.

Nabatid sa pagsusuri ng Global Terrorism Index noong 2013, pang-siyam ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naaapektuhan ng terorismo na kagagawan ng mga grupong New People’s Army (NPA), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Abu Sayyaf Group na gumagawa ng mga serye ng suicide bombing bilang taktika ng pag-atake kung saan sa nakalipas na 12 taon hanggang 2013, mahigit na sa 300 indibidwal ang nasawi sa mahigit 60 insidente ng pambobomba kung saan 6 dito naganap sa Davao region.

Una nang nanawagan sa taumbayan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP na huwag mag-panic at maging vigilant o mapagmatyag sa mga kaganapan sa kapaligiran at makipagtulungan sa mga otoridad upang matiyak ang ligtasan ng bawat isa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,968 total reads

 2,968 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,886 total reads

 4,886 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,344 total reads

 13,344 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,722 total reads

 50,722 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,993 total reads

 81,993 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,669 total reads

 158,669 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,273 total reads

 252,273 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,098 total reads

 24,098 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top