Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,489 total views

Isa sa mga natatagong biyaya ng laban ng administrasyon sa droga ay ang lakas ng komunidad.
Isa sa mga pinagmumulan ng mga intelligence reports ng mga galaw ng drug users at traffickers ay ang mga mamamayan sa komunidad. Marami sa kanila ang naniniwala na ang droga ay salot, at sa kanilang maliit na paraan, nagbabahagi sila ng impormasyon na makakabuti sa pamayanan.
Ang civic action ng komunidad ay maari pang malinang at ma-i-pokus upang tunay na mawala ang mga isyung nakakasama sa pamayanan, maliban pa sa droga. Halimbawa, maari nating matulungan pa sila na gumawa ng aksyon na makaka-angat ng kanilang kalusugan, kapaligiran, at kabuhayan.
Isang halimabawa ng programa na makakatulong sa mga pamayanan ay isang proyekto na pinatatakbo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay ang Sustainable Livelihood Program (SLP). Ayon sa DSWD, ito ay isang programa na nagnais na mapalawig ang kaunlaran sa mga komunidad ng bayan kung saan ang mga maralitang pamilya ay maaring magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng maliit na negosyo (micro-enterprise) o di kaya oportunidad sa trabaho. Ang mga kalahok ay tinutulungan ng DSWD na magbuo ng grupo, magplano ng negosyo, at magmonitor ng operasyon nito.
May mga benipasaryo na ang programa na ito, gaya na lamang ng Marcos Calo SEA-K Association ng Las Nieves, Agusan del Norte. Ang grupo ay nabigyan ng P170,000 seed money ng ahensya na ginamit ng mga miyembro ng organisasyon upang makapagpataguyod ang mga miyembro nito ng iba’t ibang micro-enterprises gaya ng hog raising, pagsasaka, sari-sari store at pagbebenta ng RTW items.
Ang mga ganitong programa ng pamahalaan ay positibo at awe-inspiring, wika nga sa ingles. Pinapakita nito ang mapagkalingang bahagi ng bagong administrasyon na naglalayon na maitaas ang kalidad ng buhay ng mamamayan. Inaangat din nito ang kamalayan ng mga tao ukol sa community empowerment, na isang saangkap tungo sa tunay na kaunlaran ng bayan.
Kapanalig, bagamat ayon nga sa datos ng pamahalaan, 92% ng mga barangay sa ating bayan ay apektado na ng droga, ang mga barangay na ito ay mayroon pa ring mga mamamayan na nagpapakita na maganda pa rin ang buhay at may pag-asa. Ang mga taong ito ay dapat bigyan din ng pansin at tulong. Ang mga programa gaya ng SLP ay dapat mas mabigyan ng atensyon at pondo upang matulungan at ma-empower ang mga komunidad upang sila mismo ang magsimula ng pagbabago sa kanilang pamayanan. Ito ay isa ring paraan ng pagsasabuhay ng respect for life, solidarity at preferential option for the poor, na mahahalagang prinsipyo ng Panlipunang Turo ng Simbahan. Ayon nga sa Quadragesimo Anno: The function of the rulers of the State is to watch over the community and its parts; but in protecting private individuals in their rights, chief consideration ought to be given to the weak and the poor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 28,304 total views

 28,304 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 39,434 total views

 39,434 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 64,795 total views

 64,795 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 75,245 total views

 75,245 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 96,096 total views

 96,096 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 738 total views

 738 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 28,306 total views

 28,306 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 39,436 total views

 39,436 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 64,797 total views

 64,797 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 75,247 total views

 75,247 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 96,098 total views

 96,098 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 93,917 total views

 93,917 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 112,941 total views

 112,941 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 95,615 total views

 95,615 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 128,233 total views

 128,233 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 125,249 total views

 125,249 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top