Malalang pinsala ng El Niño, nakakabahala na – Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total views

Nababahala si Diocese of Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez sa tumataas na bilang ng mga apektado ng El Niño hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Pagbibigay diin ng Obispo, ito ang bagong panahon na dulot ng Climate Change na dapat labanan ng mga tao.

Ayon pa kay Bp Iñiguez, upang mapagtagumpayan ang pagsubok na dulot ng nagbabagong klima, kinakailangang magtulungan at magpakita ng malasakit ang bawat tao sa kanyang kapwa at sa kalikasan.

“Ito, this is a natural calamity, the fact na napakarami ang naapektuhan, ibig sabihin talagang grabe yung calamity na iyon, so this is a challenge for all of us na talagang magtulungan tayo, this is the time we really need na ipakita natin yung pagkakaisa, an gating pagmamalasakitan para sa isa’t isa.” Pahayag ni Bp Iñiguez sa Radyo Veritas.

Samantala, ayon sa United Nations Humanitarian Affairs, ang 2015-2016 El Niño phenomenon ay ang pinakamatinding tagtuyot na naitala sa kasaysayan dahil sa pinsalang idinulot nito sa 13 bansa sa Africa, Asya, Central at South America, at Pacific.

Bukod dito, pinangangambahan rin ng ahensya ang pagdami ng apektado sa matinding pagbaha na kabaliktarang epekto ng El Niño sa ibang bahagi ng mundo.

Sa ulat ng UN umabot sa humigit 60 milyong indibidwal sa buong mundo ang biktima ng El Niño at nangangailangan ng tulong kabilang ang 32 milyon sa Southern Africa na kailangan ng pagkain tubig at suportang pang agrikultura.

Sa pagtataya rin ng UN, maaaring tumaas pa sa 3.6 na bilyong dolyar ang kinakailangan upang matustusan ang pangangailangan ng mga biktima ng El Niño.

Kaugnay dito, naiulat naman sa Pilipinas na umabot sa P8 bilyon ang halaga ng pinsala sa mga pananim, kabilang na ang palay, mais, at mga alagang hayop.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, ikinalulungkot nito ang pangyayari dahil sa pagsasamantala ng tao sa likas na yaman ng mundo, tao rin ang nagiging biktima ng mga sakunang idinudulot ng pagkasira nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 36,747 total views

 36,747 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 32,616 total views

 32,616 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 68,818 total views

 68,818 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 77,919 total views

 77,919 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 104,049 total views

 104,049 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,550 total views

 324,550 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top