2,134 total views
Idadaos ng Caritas Manila Scholars Association (CAMASA) ang fund-raising art exhibit na may titulong “Pinta ng Bukas”.
Ayon kay Ray Angelo Reyes, CAMASA program coordinator, gaganapin ang exhibit sa ika-21 hanggang ika-24 ng Nobyembre, 2022 sa Makati City.
Layon ng “Pinta ng Bukas” na makalikom ng pondong ilalaan sa 5,000 Caritas Manila Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) scholars.
“Tayo po ay nagsimula nang art competition noong May 2022 at nagsimula na po naming makolekta po yung mga arts and then magkakaroon po ito ng exhibit sa Glorieta Mall Palm Drive Activity Center this coming 21 to 24,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Reyes.
Tampok sa art exhibit ang mga 60 paintings at 30 digitals arts ng ibat-ibang artist kasama ang likha ng mga kasalukuyan at alumni YSLEP scholars.
Ang CAMASA ay samahan ng mga YSLEP alumni mula sa iba’t-ibang diocese at archdiocese sa bansa na nakapagtapos sa kolehiyo at nagta-trabaho na.