21,394 total views
Hinihikayat ni Miss Universe Philippines 2025- 2nd Runner Up Yllana Maria Aduana at Mr.Eco International 2025 Kit Cortez ang mga Pilipino na makiiisa sa Run for A Cause initiative ng Caritas Manila.
Ang makakalap na pondo sa inisyatibo ay gagamiting suporta sap ag-aaral ng mga Youth Servant Leadership and Education Program scholars ng Caritas Manila at pagtugon sa kalamidad ng Caritas Damayan o Cadamay Program.
“Join a Race for a Cause! Caritas Manila invites you to our Virtual run for Servant Leadership in support for our Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP, lace up you shoes and run anytime anywhere and help send poor but deserving youth to college, every step you take brings hope and opportunity to the next generation of servant leaders, register now and be a champion for a change!,” ayon sa paanyaya nina Cortez at Aduana.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng 500 hanggang sa isang libong pisong donasyon ay masimulan ang pagbabahagi sa layo na nararating tuwing nag-eehersisyo o jogging sa programang magtatagal sa loob ng limang buwan.
Maaring makapamili ang mga donors kung saan ibabahagi ang kanilang donasyon sa YSLEP o sa CADAMAY.




