Hiroshima at Nagasaki, babala sa malagim na dulot ng digmaan-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,808 total reads

Inaanyayahan ng Kanyang Kabanalan, Pope Leo XIV, ang bawat mananampalataya na patuloy na ihanda ang kanilang puso para sa isang mas malalim na pakikipagtagpo at pagtanggap kay Hesus.

Sa kanyang patuloy na katesismo para sa Taon ng Hubileyo na may temang “Christ our Hope,” binigyang-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng pusong laging bukas at handa sa presensya ng Panginoon.

“We must prepare our hearts through concrete acts of love, forgiveness, and self-giving,” wika ni Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng santo papa na ang tunay na pag-ibig—tulad ng pagpapakasakit ni Hesus ay hindi isang aksidente, kundi isang malayang pasya na ialay ang sarili para sa iba.

Tinuran ni Pope Leo na ang puso ng bawat isa ay parang isang silid-itinatagpo, isang lugar na pinili at inihanda ng Panginoon upang Siya’y manahan.

“Our own hearts, chosen and set aside by the Lord as a place of encounter with Him,” aniya.

Paggunita sa Hiroshima at Nagasaki

Samantala, ginunita rin ng punong pastol ng Simbahan ang ikawalong dekadang anibersaryo ng atomic bombing sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki sa Japan, na naganap noong Agosto 1945. Mahigit 100 libong katao ang nasawi sa nasbing trahedya.
Ipinahayag ng Santo Papa ang kanyang pakikiramay sa lahat ng biktima at kanilang mga pamilya, at muling nanawagan laban sa paggamit ng mga sandatang nukleyar.

“Those tragic events constitute a universal warning against the devastation caused by wars and, in particular, by nuclear weapons. I hope that the illusory security based on the threat of mutual destruction may give way to the tools of justice,” saad ni Pope Leo.

Nanawagan din ito ng pandaigdigang pagkakaisa sa kabila ng mga tensiyon at alitan sa kasalukuyang panahon. Aniya, ang dayalogo at pagkakapatiran ang dapat manaig bilang daan tungo sa tunay na kapayapaan.

“Let us replace the threat of mutual destruction with dialogue and trust in fraternity,” giit ng Santo Papa.

Sa kabuuan, muling hinikayat ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na maging aktibo sa paghahanda hindi lamang para sa taunang pagdiriwang ng Hubileyo kundi para sa araw-araw na pagtanggap kay Kristo—sa puso, sa kapwa, at sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,217 total reads

 33,217 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,849 total reads

 69,849 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,060 total reads

 88,060 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,388 total reads

 172,388 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,256 total reads

 208,256 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,445 total reads

 4,445 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top