Pag-archive ng Senado sa impeachment ni VP Duterte, pagtataksil sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,108 total reads

Dismayado ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na siya ring kasalukuyang vice chairman at incoming chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, ang pagtalikod sa katotohanan para sa kapakanang pulitikal ay isang anyo ng pagtataksil sa bayan.

“When truth is sacrificed at the altar of political convenience, the people suffer.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Obispo, bilang isang mamamayang Pilipino at lingkod ng Simbahan ay sadyang nakadidismaya ang naging desisyon ng Senado na hindi man lang idinaan sa sapat at naangkop na deliberasyon at bukas na pagtalakay upang mapagnilayan at mabuting masusi ang impeachment laban sa bise presidente.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, ang naging desisyon ng Senado ay hindi lamang nagpapakita ng pagkabigo sa pagsasakatuparan ng proseso ng impeachment o paglilitis sa opisyal ng bayan, kundi sumasalamin din sa kawalan ng tunay na diyalogo at pananagutan ng mga halal na opisyal sa kanilang tungkuling magserbisyo sa publiko.

“As a bishop and citizen, I lament the Senate’s decision to archive the impeachment complaint against Vice President Sara Duterte without full deliberation and transparent discernment. This signals not just the failure of an impeachment process—but the failure of genuine dialogue and accountability in public service.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, ang tungkulin ng Senado ay hindi protektahan ang mga pulitiko at makapangyarihan sa halip ay pangunahan ang pagtataguyod sa katotohanan at isulong ang kabutihang pangkalahatan.

Partikular namang pinuna ni Bishop Alminaza ang kabiguan ng mga Senador na makinig sa isa’t isa at sa tinig ng taumbayan na nagdudulot ng pagdududa at pagkawa ng tiwala ng sambayanan sa pagiging makatarungan ng mga halal na lingkod bayan.

Ayon kay Bishop Alminaza, “The role of the Senate is not to protect the powerful but to uphold the truth and serve the common good. If lawmakers cannot listen to each other—let alone to the people—how can we expect them to act justly?”

Sa gitna naman ng patuloy na paggunita ng Simbahan sa Jubilee Year of Hope ay nanawagan si Bishop Alminaza upang patuloy na ipanalangin ang mga lider ng bansa upang gampanan ang kanilang tungkulin hindi para sa kanilang pansariling kapakanan kundi para sa pangkabuuang kabutihan ng bayan sapagkat ang katarungan ay dapat na ibinubunyag at hindi ina-archive.

Nawa ayon sa Obispo ay magkaroon ng pagpapanibago ang puso ng mga opisyal ng bansa upang magkaroon ng naaangkop na paninindigan sa katotohanan, pananagutan, transparency at tunay na ‘servant leadership’ o pagiging isang tunay na lingkod bayan.

Panawagan ni Bishop Alminaza, “In this Jubilee Year of Hope, we call for a renewed commitment to truth, transparency, and servant leadership. Ang hustisya ay hindi basta ina-archive. Patuloy nating ipanalangin ang ating mga lider na mamuno hindi para sa sarili kundi para sa bayan.”

Ang naturang pahayag ni Bishop Alminaza ay kasunod ng naganap sa Senado noong Miyerkules ika-6 ng Agosto, 2025 kung saan matapos ang ilang oras na debate ay nanaig ang boto ng mayorya ng mga senador sa botong 19-4-1 pabor sa “motion to archive” sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duteerte.

Kabilang sa mga sinasabing kaso laban sa Bise Presidente ay ang paglabag sa Konstitusyon, pagtataksil sa tiwala ng publiko, pandarambong, katiwalian sa kaban ng bayan at iba pang krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,203 total reads

 33,203 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,835 total reads

 69,835 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,046 total reads

 88,046 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,374 total reads

 172,374 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,244 total reads

 208,244 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,244 total reads

 38,244 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top