“It was expected, but it was disappointing.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,350 total views

Ito ang naging reaksiyon ni Fr. Ranhilio Aquino, Dean ng Graduate School of Law ng San Beda University, matapos desisyunan ng Senado na i-archive o isantabi ang mga artikulo ng impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Bagamat hindi na siya nagulat sa naging pasya ng Senado, hindi maikakaila ng pari ang kanyang pagkadismaya—lalo na sa paraan ng kanilang pagbibigay-katuwiran.

“In the first place, the Senate claims that they are obeying the Supreme Court, but the irony there is that there is a pending motion for consideration in the Supreme Court. And in voting to archive the cases, they were in fact jumping the gun on the Supreme Court,” paliwanag ni Fr. Aquino.

Iginiit ng Pari na kung tunay na sinsero ang Senado sa pagsunod sa Korte Suprema, nararapat lamang na hinintay muna nila ang pinal na desisyon ng hukuman.

“If they really were sincere about obeying the Supreme Court, they should have waited for the Supreme Court to rule on the motion for reconsideration.”pahayag ng Pari sa Radyo Veritas

Hindi rin pinalampas ni Fr. Aquino ang tila pagpuna ni Senate President Francis Escudero sa mga kilalang dating mahistrado na nagpahayag ng suporta sa impeachment case. Sa isang matapang na social media post, direkta niyang kinuwestyon ang karapatan ni Escudero na maliitin ang mga iginagalang na personalidad sa larangan ng batas.

“How dare someone who does not understand ‘forthwith’ slam illustrious jurists with whom he CERTAINLY is not in league? Azcuna, Puno, Panganiban, Carpio-Morales, and Carpio? How, Mr. Escudero, do you reckon you can match them?”

Matatandaang ang mga nabanggit na pangalan ay pawang dating mahistrado at kilalang tagapagtanggol ng Saligang Batas, na nagpahayag ng suporta sa paghahanap ng katotohanan kaugnay ng usapin sa confidential funds.
Sa kabila ng tila pagsasara ng pinto ng Senado, nanawagan si Fr. Aquino sa publiko na ipagpatuloy ang panawagan para sa pananagutan.

“The only thing for people to do is to press the House of Representatives to file the impeachment complaint at the time the Supreme Court says it’s proper to do so,” sabi ni Fr. Aquino.

Bilang tagapagtaguyod ng due process, iminungkahi rin ni Fr. Aquino ang ilang hakbang upang masusing imbestigahan ang mga alegasyon:
Pagbuo ng joint congressional committee

“The Congress can constitute a joint committee of the members of the House and the Senate to receive evidence of the misuse of confidential funds and to give the Vice President a chance to present her evidence.”

Paglikha ng fact-finding commission mula sa Pangulo
“The President can constitute a fact-finding commission composed of credible persons who will look into the factual allegations against the Vice President.”

Pag-imbestiga ng Ombudsman

“The Office of the Ombudsman can use its power to conduct an investigation and prepare an impeachment complaint.”

Hindi na ikinagulat ni Rev. Fr. Jerome Secillano, parish Priest ng national shrine of Mary, Queen of Peace, Edsa Shrine at Executive secretary ng CBCP-Permanent Council on Public Affairs ang naging hatol ng mga Senador sa inihaing impeachment complaint ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay VP Duterte sa kasong betrayal of public trust at graft and corruption.

Ayon kay Fr. Secillano, sa simula pa lamang ay wala ng bigat ang public opinion sa impeachment case ni VP Duterte.

“Public opinion doesn’t matter in this case.”pahayag ni Fr.Secillano sa Radyo Veritas

Sa halip na madismaya at magalit sa pagka-archive ng impeachment case laban kay VP Duterte, ipinaubaya na ng Pari ang kapalaran ng pangalawang pangulo sa 2028 presidential election sa kamay ng mga Pilipino.

“Hence, let the public decide her fate come election.” paliwanag ni Fr.Secillano sa Radyo Veritas

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa sa Korte Suprema ang Motion for Reconsideration na inihain ng Mababang Kapulungan, na layong ipawalang-bisa ang naunang desisyon ng hukuman na nagdeklara sa articles of impeachment bilang unconstitutional.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 220,349 total views

 220,349 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 250,572 total views

 250,572 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 277,216 total views

 277,216 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 372,189 total views

 372,189 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 378,943 total views

 378,943 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top