ATM, dismayado sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,873 total reads

Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa desisyon ng Senado na isantabi ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, ang hakbang ng Senado ay malinaw na kabiguan sa pagsunod sa kanilang mandato bilang malayang institusyon ng pamahalaan.

“We are witnessing today the implementation of a distorted form of justice, where the rich and powerful are allowed to continue their abuse of power,” pahayag ni Garganera.

Binatikos din ng grupo ang kawalan ng transparency at pananagutan sa proseso, sa kabila ng malawakang panawagan ng taumbayan na ituloy ang paglilitis sa kaso.

Iginiit ni Garganera na sa halip na pakinggan ang hinaing ng publiko para sa bukas at makatarungang paglilitis, pinili ng Senado na talikuran ang kanilang tungkulin.

Sa huli’y tiniyak ng ATM ang pakikiisa sa mamamayang Pilipino sa panawagan para sa pananagutan ng mga halal na opisyal.

“We stand with all Filipinos who demand accountability from our elected leaders to serve the interests of the people, and not the political ambitions of dynasties and elites,” saad ni Garganera.

Una nang nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Public Affairs executive secretary Fr. Jerome Secillano ng taimtim na panalangin at paggabay ng Espiritu Santo para sa mga opisyal ng pamahalaan na may tungkulin sa usaping legal, upang maging tapat at makatarungan para sa ikabubuti ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 96,699 total reads

 96,699 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 190,729 total reads

 190,729 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 234,997 total reads

 234,997 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 258,106 total reads

 258,106 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 328,823 total reads

 328,823 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,494 total reads

 147,494 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top